Debosyon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Batay sa isang salaysay ng pag-ibig sa Bikol ang Debosyon, sa direksyon ni Alvin B. Yapan. Isang pelikulang tumatalakay sa misteryo ng pag-ibig sa paanan ng isang bulkan, pinagbibidahan ito ng maituturing na dalawa sa mahuhusay na aktor ng kanilang panahon, sina Mara Lopez at Paolo Avelino.

Kabilang ang Debosyon sa kategoryang New Breed ng ika-9 na CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013, na itinanghal nang mula 26 Hulyo hanggang 4 Agosto 2013. Ipinapalabas ang mga pelikulang bahagi ng festival sa Cultural Center of the Philippines, mga sinehan ng Greenbelt 3 sa Lungsod ng Makati at Trinoma sa Lungsod ng Quezon.

Sinopsis

Isang Bikolanong deboto ni Ina, Birhen ng Peñafrancia, Patronesa ng Bikolandia, si Mando, ay maliligaw at masusugatan habang nasa gubat sa paanan ng Bulkang Mayon. Pagagalingin siya ni Salome, isang misteryosang babaeng naninirahan kagubatang iyon. Magkakaibigan sina Mando at Salome. Ngunit nang hikayatin nang sumama sa kanya sa kapatagang pinanggalingan ni Mando si Salome, tinanggihan ito, at sinabing isang sumpa ang pumipigil kay Salome na lisanin ang kagubatan. Hawak ni Salome ang isang lihim na posibleng wumasak sa pagmamahal ni Mando sa kanya. Nananalig si Mando sa kanyang debosyon upang maialis ang sumpa na magpapakintal sa kanya kung gaano kahigpit ang ugnayan ng pagmamahal at pananampalataya.

Ang mga Gumanap

Ang mga Nasa Likod ng Pelikula

  • Alvin B. Yapan, Direksiyon, Panulat at Dulang Pampelikula
  • Alemberg Ang, Prodyuser
  • Vim Yapan, Studio

Tagapagtaguyod

  • Alem Chua Productions

Panlabas na Kawing

  • Aquino, Tricia. Paulo Avelino-starrer ‘Debosyon’ reveals tempting poster (hinango noong 4 Hulyo 2013)
  • www.facebook.com (hinango noong 4 Hulyo 2013)
  • VYAC Productions. Debosyon teaser with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra (hinango noong 4 Hulyo 2013)
  • Alipio, Elli. Mara Lopez to be paired with Paulo Avelino for the Cinemalaya entry Debosyon (hinango noong 4 Hulyo 2013)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Aliwan Kategorya:Pelikula