Death March (pelikula)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Death March (2013) ay isang black-and-white na Pelikulang dinirehe ni Adolfo B. Alix, Jr., sa panulat ni Rodolfo Vera. Tinatalakay sa pelikula ang danas ng mga sundalong Pilipinong POW na sapilitang pinaglakad ng 104 kilometro, o anim na araw, ng mga Hapones upang mailipat mula Mariveles, Bataan patungong Camp O'Donnell sa Capas, Tarlac sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinagurian ang pangyayaring ito noong 1942 sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Bataan Death March.

Lagom

Si Miguel (Sid Lucero), isa sa mga sundalong sapilitang pinaglakad ng mga Hapones ay kinakausap ng mga kapwa niya sundalong nangamatay na. Nais sabihin ng pelikula na halos wala nang ipinagkaiba ang mga nabubuhay at nangamatay na sundalo [1] sa pagkakataong iyon ng pagdanas ng pangungulila, lungkot, desperasyon, uhaw, gutom, halusinasyon, kamatayan.

Ang mga Nagsiganap

Ang mga nasa Likod ng Pelikula

Mga Pagkilala at Parangal

Sa labas ng bansa

Taon Institusyon Parangal
2012 66th Cannes Film Festival (France) [2] Opisyal na Napili sa Kategoryang Un Certain Regard

Sa Pilipinas

Ang Dulang Pampelikula ni Vera ay nagwagi ng Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2012.

Sanggunian

  • [3] Death March (2013) at Imdb.com

Mga Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Panitikan Kategorya:Pelikula Kategorya:Dulang Pampelikula Kategorya:Manunulat