David F

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Tatlong salaysay na tinatahi ng pagkatao ni David Fagan ang pelikulang David F. Ang pelikula ay mula sa panulat nina Liza Magtoto, at Emmanuel Quindo Palo, na siya ring direktor ng pelikula.

Si David Fagan ay totoong taong nabuhay noong panahon ng maagang 1900s. Isa siyang Aprikano-Amerikano na kabilang sa mga sundalong ipinadala ng Estados Unidos (EU) sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Naging tanyag si Fagan nang kanyang iwan ang tropa ng mga sundalong kinabibilangan niya at pumanig sa mga Pilipinong rebolusyunaryo. Idineklara siyang isang “public-enemy-number-one” ng gobyerno ng EU. Itinalaga siyang kolonel ng hukbong Pilipino sa ilalim ni Emilio Aguinaldo [1].

Kabilang ang David F sa kategoryang New Breed ng ika-9 na CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013, na itinanghal nang mula 26 Hulyo hanggang 4 Agosto 2013. Ipinapalabas ang mga pelikulang bahagi ng festival sa Cultural Center of the Philippines, mga sinehan ng Greenbelt 3 sa Lungsod ng Makati, Alabang Town Center sa Muntinlupa at Trinoma sa Lungsod ng Quezon.

Sinopsis

Magsisimula ang tatlong salaysay sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano nang mahuli ng dalawang Pilipino ang isang sundalong Amerikano, si David Fagan; at ang kagustuhan ng dalawang ito na makuha ang pabuya kapag isinuko si David sa kinauukulan.

Ang ikalawa ay magaganap sa panahon ng Pananakop ng mga Hapon. Hinggil naman ito sa isang Filipina na nakatakdang magsilang ng isang maitim na sanggol.

Ang ikatlo naman ay magaganap sa kontemporaneong panahon. Isang maitim na gay impersonator sa isang comedy bar ang susubok hanapin ang kanyang amang Afrikano-Amerikano na nakabase sa Olongapo na nang-iwan sa kanya noong paslit pa.

Ang tatlong salaysay na ito ay nakahabi sa isa't isa.

Ang mga Gumanap

Ang mga Nasa Likod ng Pelikula

  • Emmanuel Quindo Palo, Direksyon
  • Emmanuel Quindo Palo at Liza Magtoto, Dulang Pampelikula

Tagapagtaguyod

  • Cinemalaya Foundation, Inc.
  • Bonfire Productions
  • Friday Skies Films

Panlabas na Kawing

  • www.cinemalaya.org (hinango noong 9 Hulyo 2013)
  • DAVID F TRAILER. (hinango noong 9 Hulyo 2013)
  • Bautista, Jude Bicolano, Papampango and Ilocano in Cinemalaya films. (hinango noong 9 Hulyo 2013)
  • Richelle]. “9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival” official list of entries revealed! (hinango noong 9 Hulyo 2013)
  • Mendiola, Leo Kevin. David F. (hinango noong 9 Hulyo 2013)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Aliwan Kategorya:Pelikula