Datu Amai Pakpak

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Datu Akadir Akobar, o mas kilala bilang Amai Pakpak, ay isang pinunong Marano na kilala sa pamumuno sa pagtutol ng mga Maranao sa pagsakop ng mga Espanyol sa rehiyon ng Lanao noong 1890.

Tubong Marawi, ipinagtanggol ni Amai Pakpak ang rehiyon sa pamamagitan ng Fort Marawi, isang kuta na kaniyang itinatag sa lugar.

Bagama't maraming iba pang mga naging labanan sa pagitan ng mga Maranao at ng mga Espanyol, tanging ang mga labanang pinamunuan ni Amai Pakpak ang naitala, kabilang na ang labanan noong 1891 sa pagitan ng mga Espanyol na ipinadala ni Gobernador-Heneral Valeriano Weyler at noong 1895 laban sa hukbong ipinadala ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco.

Sa labanan noong 1891, nagtagumpay si Amai Pakpak at ang kaniyang hukbo na pigilan ang pag-atake ng mga Espanyol sa Lanao. Umatras ang mga Espanyol patungong Iligan matapos dumating ang karagdagang hukbo mula sa mga luagr sa paligid ng Lake Lanao.

Noong 1895, napatay si Amai Pakpak kasama ang kaniyang pamilya at iba pang hukbo nang dumating ang isang eskuwadron ng mga barkong ipinadala ni Gobernador-Heneral Blanco sa Lake Lanao para tapusin ang pagsakop sa rehiyon ng Lanao.

Umatras din kinalaunan ang mga Espanyol mula sa lugar nang magsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898.

Kilala bilang isang bayaning Maranao si Amai Pakpak. Noong 1970, ipinangalan kay Amai Pakpak ang dating Lanao General Hospital bilang pagkilala sa kaniyang kagitingan sa pakikipaglaban sa mga Espanyol sa Labanan sa Marawi noong 1895.

Mga Sanggunian

Purita Kalaw- Ledesma; Amadis María Guerrero (1979). Edades, National Artist. Filipinas Foundation. p. 127. Madale, Abdullah (1997). "Notable Maranaws". The Maranaws: Dwellers of the Lake. Rex Bookstore, Inc. p. 141. Retrieved 14 September 2020.

"Lanao del Sur's old Spanish bridge preserved, developed" . Notre Dame Broadcasting Corporation. October 10, 2015. Retrieved September 14, 2020.

"Territorial Prelature of Marawi" UCA News. Retrieved September 14, 2020. "About Us-APMC" Amai Pakpak General Hospital. Retrieved September 14, 2020.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.