Datu Ali

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Datu Ali ay isang kilalang pinuno ng mga Moro, kapatid ni Datu Djimbanga at Sultan Tambilawan ng Kudarangan, at naging Rajahmuda ng Tinukop bago pumalit sa kaniyang pinsang si Datu Uto bilang Sultan ng Buayan mula 1899 hanggang 1905.

Noong 1886, tumanggi sina Datu Ali at ang pinsan nitong si Datu uto na kilalanin ang pamumuno ng Espanya. Kapwa sila nanindigan na walang matitirang Espanyol sa Cotabato. Ilan sa mga kuta ni Uto ang sinira ng mga Espanyol ngunit bigo pa rin ang mga ito na makapasok sa teritoryo ng mga Moro.

Sinalakay ni Datu Ali ang bayan ng Lepanto malapit sa kuta ng mga Espanyol sa Bugcaon, kung saan 14 ang namatay.

Noong 1890, natalo si Datu Uto ng mga Espanyol at ipinatapon ito sa ibang lugar. Dito na naging pinuno ng Sultanato ng Buayan si Datu Ali.

Mas naging kilala ang pamumuno at katapangan ni Datu Ali sa pagdating ng mga Amerikano. Noong 1900, kinilala si Datu Ali bilang pinuno ng Sultanato ng Maguindanao. Kinilala rin siya bilang Rajah ng Buayan.

Katulad ng kaniyang ipinakitang pagtutol sa pananakop ng Espanya, tinutulan rin ni Datu Ali ang pananakop ng mga Amerikano. Pinamunuan niya ang nasa 3,000 mga tagasunod at patuloy na nakipaglaban sa mga Amerikano sa loob ng tatlong taon, simula noong 1903.

Sa pag-asang mapasuko si Datu Ali, dinakip ng mga Amerikano ang kaniyang kapatid na si Datu Djimbangan, ngunit ipinagpatuloy pa rin ni Datu Ali ang pakikipaglaban hanggang sa kaniyang kamatayan noong ika-22 ng Oktubre, 1905 sa Labanan ng Malalag River.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.