Danilo Lim

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Danilo Lim.

Si Danilo "Danny" Delapuz Lim (2 Hunyo 1955 - 6 January 2021) ay isang retiradong sundalong Pilipino na nagsilbi bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority mula 2017 hanggang 2021. Nakulong siya sa Camp Crame sa Quezon City mula 2006 hanggang 2010 dahil sa kasong rebelyon at tangkang coup d'etat. Matapos ang mahigit apat na taong pagkakakulong, pinagkalooban ng pansamantalang kalaayan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas si Lim noong ika-31 ng Mayo 2010.

Kabilang si Lim sa grupo ng mga sundalo na lumusob sa Peninsula Manila hotel sa Makati noong ika-29 ng Nobyembre 2007 para hilingin ang pagbibitiw ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tumakbo sa pagka-senador si Lim noong halalan ng 2010 ngunit natalo siya. Itinalaga siya bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs sa panahon ng administrasyon ni Benigno S. Aquino III ngunit nagbitiw siya sa pwesto noong Hulyo 2013 dahil sa katiwalian sa ahensya.

Noong ika-22 ng Mayo 2017, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng MMDA.

Talambuhay

Kabataan

Ipinanganak si Lim noong ika-2 ng Hunyo 1955 sa Solano, Nueva Vizcaya. Siya ang bunso sa limang magkakapatid na lalaki. Ang kanilang amang si He Yia Lim ay isang Tsinong mangangalakal, habang tubong Bohol naman ang kaniyang inang si Catalina Delapuz. Namatay ang ama nina Lim noong siya ay dalawang taong gulang.

Nag-aral ng elementarya at high school sa Solano. Sa unang taon niya sa Unibersidad ng Pilipinas, nakapasa si Lim sa Philippine Military Academy. Nagtapos si Lim bilang bahagi ng Makatarungan Class 1978. Habang nag-aaral sa PMA, kumuha rin siya ng pagsusulit sa United States Military Academy (USMA) at nakapasa.

Sa kaniyang pagtatapos sa USMA, bumalik sa Pilipinas si Lim at kumuha ng Scout Ranger Course. Pinili niyang madestino sa Jolo, kung saan siya ang naging bahagi ng 1st Infantry Division sa Sulu.

Naging bahagi ng Reform the Armed Forces Movement si Lim noong dekada 80 at naging bahagi ng isang planong coup d'etat laban sa administrasyon ni Corazon Aquino noong 1989.

Operasyon Militar sa Manila Peninsula

Noong umaga ng 29 Nobyembre 2007, kabilang si Lim sa grupo ng mga sundalo na pumunta sa The Peninsula Manila Hotel para ipanawagan ang pagbibitiw ni Gloria Macapagal Arroyo. Nagtungo sila sa hotel matapos nilang lisanin ang paglilitis sa kanila ng korte hingil sa kaugnayan nila sa 2003 Oakwood Mutiny. Bukod kay Lim, kabilang sa mga sundalong namalagi sa hotel sina Antonio Trillanes IV at si Nicanor Faeldon. Pumunta rin sa hotel ang dating pangalawang pangulo ng bansa na si Teofisto Guingona.

Noong ika-16 ng Pebrero 2010, pinayagan ng korte na makapagpiyansa sina Lim at Trillanes para sa kasong rebelyon. Pansamantala silang nakalaya noong ika-31 mg Mayo 2010.

Karera sa Politika

Noong 2009, inanunsiyo ni Lim ang kaniyang planong tumakbong senador sa halalan ng 2010. Inendorso siya ng mga senador na sina Trillanes, Gregorio "Gringo" Honasan at Jamby Madrigal. Kinalaunan ay naging "guest candidate" ng Partido Liberal (Liberal Party) si Lim. Hindi nagtagumpay si Lim matapos makuha ang ika-17 puwesto sa senado.

Noong 2017, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lim bilang chairman ng MMDA.

Kamatayan

Noong ika-29 Disyembre 2020, inanunsiyo ni Lim na nagpositibo siya sa COVID-19. Namatay siya noong ika-16 ng Enero, 2021. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.