Dambana ng Santo Cristo Milagroso

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Sinait Basilica Church.jpg

Ang Dambana ng Santo Cristo Milagroso ay isa sa mga sikat na simbahan na matatagpuan sa Sinait, Ilocos Sur. Taon-taon, libo-libong mga deboto ang dumadayo rito upang makapagbigay-galang sa milagrosong sa imahe ni Kristo.

Kasaysayan

Ayon sa mga matatandang paniniwala ng mga Ilokano, isang kahon na pinaglalagyan ng imahe ng Santo Cristo Milagroso at La Virgen Milagrosa de Badoc ang lumutang sa baybayin ng Logo, isang sitio sa Dadalaquiten sa pagitan ng mga bayan ng Sinait at Badoc sa Ilocos Sur.

Naniniwala ang marami na sa kagustuhan ng dalawang milagrosong imahe, pinili nila kung saan nais malagak ang imahe. Sa simula, ang mga mamamayan ng Sinait ay pinili ang imahe ng La Virgen at ang mga mamamayan ng Badoc ay pinili ang imahe ng Santo Cristo Milagroso ngunit nang dadalhin na ang mga imahe sa kani-kanilang parokya ay hindi raw nakayanang buhatin ang mga altar ng ilang kalalahikan. Matapos noon, napagdesisyunan ng dalawang lider ng parokya na pagpalitin ang imahe at dun nagsimula ang milagro nang walang kahirap-hirap ay nabuhat ang mga imahe.

Pagdiriwang

Ang piyesta ng Santo Cristo Milagroso o “Apo Lakay” para sa mga Ilokano na ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Mayo ng taon ay ang pinaka-espesyal na piyestang panrelihiyon sa lalawigan at kung saan karamihan sa mga deboto ay nag-iintay ng tatlo hanggang apat na araw bago sumapit ang mismong pagdiriwang.

Sanggunian:

  • [1]. The official website of the province of Ilocos Sur (Hinango noong: Hulyo 27, 2010)


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.