Dale Abenojar

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Dale Abenojar (ipinanganak noong ika-27 ng Abril 1983) ay isang Pilipinong mountaineer, adventure sportsman, at taga-gabay sa mga umaakyat ng bundok. Siya ay kinilala ng beteranong Himalayan expedition chronicler na si Elizabeth Hawley bilang kauna-unahang Pilipino na narating ang tuktok ng Mount Everest. Narating ni Dale ang tuktok nito noong ika-15 ng Mayo taong 2006. Siya ang ika-2,614 na Everest summiteer.

Si Abenojar, na nagtapos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at kwalipikadong instructor sa AFP ay napagtibay din, na nakamit ang nabanggit na tagumpay, ng China Tibet Mountaineering Association (CTMA) noong ika-20 ng Mayo 2006.

Noong ika-4 ng Agosto 2006, ang kaniyang dokumentaryong pelika na A Child in Everest, ay ipinalabas sinehan na pinanood ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, supporters, media at mga kinatawan ng gobyerno ng Piipinas. Ang pelikula na ipinakita sa mahigit na 500 daang tao sa SM Megamall noong ika-4 ng Agosto 2006 ay idinokumento pag-akyat ni Abenojar sa Mt. Everest.

Ang dokumentaryo, na isina-ayos ni Orly Lavarde at idinirihe ni Gus Cruz, ay pinagsamang mga video footages at litrato na kinunan ni Abenojar at ng kanyang gabay na sina Tshiring Jangbu Sherpa at Pasang Dorchi Sherpa habang inaakyat nila ang hilagang bahagi ng Mt. Everest. Ang pelikula ay pinrodyus nina Abenojar at kaibigan na si Robin Mendoza, isang publicist.

Nawalan si Abenojar ng malaking kaliwang daliri sa paa. Ang kaniyang gabay na Pasang Sherpa naman ay nawalan ng lahat ng daliri sa paa dahil sa gangrene na dulot ng frostbite sa kanilang pag-akyat.

Sinabi ni Abenojar, sa katapusan ng dokumentaryo, ang kaniyang nais na muling akyatin ang tuktok ng Everest nang walang dalang oxygen.

Noong Hulyo 2006, binigyan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng parangal na titulong “Champions for Life” ang mga atleta ng Philippine Team na nagkamit ng gintong medalya sa Southeast Asian Games. Kinabilangan ito nina Ms. International Precious Lara Quigaman; boksingerong si Manny Pacquiao; at Erwin “Pastor” Emata at Romeo Garduce na mga matagumpay na climbers na nakarating sa tuktok ng Everest.

Nasaktan si Abenojar dahil hindi siya napasama sa mga kinilala. Ilan din sa mga Pilipinong umakyat din ng Everest noong Mayo 2006 ang nagduda sa kaniyang tagumpay. Noong ika-18 ng Hunyo 2007, nakatanggap siya ng opisyal na paanyaya mula sa opisina ng Pangulo ng Pilipinas para sa paggawad ng Presidential Award na kanyang natanggap noong ika-20 ng Hunyo 2007.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.