Daisy H. Avellana

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Daisy Hontiveros Avellana (26 Enero 1917 – 12 Mayo 2013) ay isang aktres, direktor, at manunulat sa teatro. Ginawaran siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Pelikula noong 1999.

Buhay at Edukasyon

Ipinanganak si Avellana noong 26 Enero 1917 sa lungsod ng Roxas, Capiz. Isa siya sa mga unang nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas Graduate School ng Master of Arts (MA) in English.

Ikinasal siya kay Lamberto Avellana, isang kilalang direktor sa teatro at pelikula, na ginawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula noong 1976. Kasama ang mga kaibigan, itinatag nilang mag-asawa ang Barangay Theater Guild (BTG) noong 1939 na nagbigay-daan upang higit na makilala ang teatro sa Pilipinas sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Namatay siya noong 12 Mayo 2013 sa edad na 96.

Mga Dula

Ilan sa mga kinabilangan niyang dula ang Othello (1953), Macbeth in Black (1959), Casa de Bernarda Alba (1967), at Tatarin. Hindi matatawaran ang kaniyang pagganap bilang Candida Marasigan sa Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin.

Siya ang direktor ng Diego SIlang (1968) at Walang Sugat (19171).

Isinulat niya ang Sakay (1939) at Portrait of the Artist as Filipino (1955).

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.