Daily Tribune

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang The Daily Tribune ay isang pahayagan sa Pilipinas na araw-araw na inilalathala. Itinatag ito ng The Tribune Publishing Company Incorporated noong 1999. Si Ninez Cacho-Olivares ang kasalukuyang punong patnugot nito. Matatagpuan ang kanilang opisina sa ika-siyam na palapag ng GLC building sa Kalaw Manila.

Kilala ang The Daily Tribune bilang isang pahayagang tumutuligsa sa pamunuan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at kasalukuyang rehimen ni Pangulong Benigno Aquino III. Sinasabing suportado naman nito si dating pangulong Joseph Ejercito-Estrada.


Pagsisimula

Nang nagdeklara si dating Pangulong Arroyo ng State of Emergency noong ika-dalawampu’t apat ng Pebrero taong 2006, ni-raid ng Philippine National Police ang opisina ng The Daily Tribune. Nanatili sila roon hanggang sa matapos ang tensyon noong ika-apat ng Marso ng parehas na taon. Simula noon naging kritikal na ang pahayagan sa administrasyon.

Umani ng maraming mambabasa ang diyaryo ngunit unti-unti namang nawala ang mga nagpapatalastas dahil naging politikal ang tema.

Eleksyon noong 2010, naging tahasan ang pagsuporta ng pahayagan sa pagtakbo ni dating presidenteng Estrada at bise-presidente Jejomar Binay. Miyembro raw kasi ng parehas na partidong Pwersa ng Masang Pilipino ang patnugot nito.

Sa kabila nito, balanse at hindi raw bias ang mga artikulong inilalathala nila.


Mga pagsubok na kinaharap

Nasintensyahan ng guilty sa libel si Olivares noong ika-lima ng Hunyo taong 2008 sa Regional Trial Court Branch 59 sa Makati kung saan ang tagalitis ay si Judge Winlove Dumayas. Mapaparusahan siya ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong. Kailangan niya ring magbayad ng limang milyong piso para sa moral na danyos at mahigit tatlumpung libong piso para sa sibil na danyos. May kasama ring apat na libong multa dahil sa inilabas na artikulo noong ika-dalawampu’t tatlo ng Hunyo taong 2003 tungkol sa dating Ombudsman na si Simeon Marcelo. May sabwatan daw kasing naganap sa pagitan niya at ng Villaraza Cruz Marcelo and Angcanco Law Firm tungkol sa kaso ng isang kliyente laban sa panalong bidder para sa konstruksyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3.

Sa tulong ng abogado ni Olivares na si Alexis Medina, umapela ang kampo niya sa korte ng Makati para sa isang motion for reconsideration. Hindi raw kasi libelo ang nagawa nila.

Dahil dito, sasampahan pa raw ng apatnapu’t pitong kasong libelo ng Villaraza Cruz Marcelo and Angcanco Law Firm ang The Daily Tribune.

Sanggunian