Dahong Palay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Dahong Palay ay ang pangunahing sandata ng mga Batanggenyo (Batangueño) noong panahon ng himagsikan. Dahong Palay ang ipinangalan dito dahil sa hugis nitong taglay, na animo'y ilahás na ahas; at malimit itong gamitin ng mga magsasaka ng Batangas at Mindoro sa paghawan, pagtabas, o pagtigpas ng mga halaman o punongkahoy.

Samantala, ang dahumpalay (order Ophidia) ang uri ng ahas na lungtian at kakulay ng sariwang dahon ng palay, at makamandag. May kakayahan ang nasabing ahas na umayon ang kulay sa kaligiran nito, upang makaiwas sa ibang malalaking hayop at nang maging epektibo ang pagsagpang sa gaya ng ibon, daga, at iba pang hayop. Ang sandatang "dahong palay" ay mahihinuhang may pahiwatig ng nakamamatay, gaya ng tuklaw ng makamandag na ulupong.

Sa kasalukuyan, ginagamit din ang taguring "dahong palay" o "dahumpalay" sa ilang pangkat ng mga musikero, gaya ng mga rakista na nagtatanghal sa kung saan-saang lugar.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.