Dagupan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod ng Dagupan (Pangasinan: Lunsod na Dagupan, Ilokano: Ciudad ti Dagupan) ay isang ika-isang klase ng malayang bahaging lungsod sa Pilipinas. Ito ay isang independiyenteng bahaging look ng lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 171,271 sa may 35,748 na kabahayan. Nakalagak sa Golpo ng Lingayen sa pulo ng Luzon, ang Dagupan ay ang pangunahing daungan at pangkalakalan (commercial) at sentrong pang-pananalapi ng Hilagang Luzon; isang masiglang pakikipagkalakan ang nagaganap para sa mga produktong tubo, mais, bigas, kopra, asin, at mga inuming alak na gawa mula sa palmang nipa. Kilala ang lungsod bilang ulung-bayang pamilihan ng mga bangus sa Pilipinas dahil sa kasaganahan ng sariwang bangus. Hinango ang pangalan ng lungsod mula sa salitang pandaragupan ayon sa katutubong wika ng Pangasinan, na nangangahulugang 'pook ng pagtitipon' dahil ang look ay isang sentrong pamilihan ng rehiyon sa loob ng maraming mga dantaon.

Ang pinakamahabang barbekyu na may sukat na 1,007.56 metro (3,305.64 talampakan) —ginawa ito ng mga mamamayan ng Lungsod ng Dagupan noong 3 Mayo 2003 bilang bahagi sa Pista ng Bangus ng lungsod.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Dagupan. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.