Cristobal Tellez de Almanza

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Cristobal Tellez de Almanza ay ang ika-12 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Pedro Bravo de Acuña. Siya ay naglingkod mula 24 Hunyo hanggang 15 Hunyo 1608.

Bago naging gobernador-heneral, si Tellez ay bahagi ng Real Audencia at pinuno ng mga gawaing pang-militar. Sa panahon ng kaniyang termino naganap ang maraming pag-aaklas ng mga Hapones, na bunga ng pagpatay ng isang Espanyol sa anak ng isang Hapones noong 1606. Mula noon ay plinano na ng mga Hapones ang mga pag-aalsa laban sa mga Espanyol mula 1607. Dalawang taon lamang naglingkod si Tellez bilang gobernador-heneral.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 289 Quezon City: Vibal Foundation, 2020.  

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.