Consuelo Ortega Y Rey

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Consuelo Ortiga Y Rey ay isa sa mga babaeng nakarelasyon umano ni Jose Rizal. Anak siya ng dating Alkalde ng Maynila at tagapangulo ng Consejo de Filipinas sa Madrid na si Don Pablo Ortiga Y Rey. Madalas sa bahay ng mga Ortiga sa Madrid sina Rizal at ang iba pang mga Filipinos.

Ayon sa talaarawan ni Consuelo, una niyang nakilala si Rizal noong ika-16 ng Setyembre, 1882. Isinulat rin niya doon na buong gabi silang nag-usap, at sinabihan siya ni Rizal na siya ay talentado at misteryoso. Sinabi rin umano ni Rizal na hindi niya gusto ang mga babaeng masyadong mabait at palakaibigan.

Hindi kaagad ipinagtapat ni Rizal ang kaniyang nararamdaman para kay Consuelo, ngunit nang inamin na niya ang kaniyang pagtingin kay Consuelo, niligawan naman ito ni Eduardo de Lete na kaibigan ni Rizal.

Bukod kina Rizal at Lete, madalas ring binibisita nina Maximino at Antonio Paterno si Consuelo.

Kalaunan ay tumigil rin si Rizal sa panunuyo kay Consuelo dahil ayaw umano niyang makaaway si Lete na itinuturing niyang kapatid. Inamin rin niya na may pagtingin pa rin siya kay Leonor. Inamin din ni Consuelo na hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal na gusto ni Rizal.

Ang tulang A La Señorita C.O. y R. na sinulat ni Rizal para kay Consuelo, ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na tulang sinulat niya.