Conrado Estrella III

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Conrado Estrella III ay politiko at matagal nang nanunungkulan bilang kinatawan sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Siya ay hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos bilang kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan [Department of Agrarian Reform o DAR] sa ilalim ng kanilang administrasyon.

Si Estrella ay kinatawan sa Kongreso ng ABONO Party-list. Siya ay bahagi na ng Kongreso noon pang 1987 kung saan kinatawan niya ang Ika-6 Distrito ng Pangasinan hanggang 2010. Noong 2013, nahalal siyang kinatawan ng ABONO Party-list, at noong 2019 ay hinirang siyang House Deputy Speaker.

Ang ABONO Party-list ay kumakatawan sa mahihirap na sektor ng sakahahan, partikular sa mga lalawigan ng La Union at Ilocos.

Ang lolo ni Estrella na si Condrado Estrella Sr. ay kalihim at ministro ng Repormang Pansakahan mula 1971 hanggang 1986 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.