Concepcion (barko)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, pindutin lamang ang Concepcion (ship).

Ang Concepcion ay isang uri ng barko na tinatawag na carrack na ginawa noong ika-16 siglo. Ito ay isa sa limang sasakyang pandagat na ginamit nina Ferdinand Magellan at Juan Sebastián Elcano sa kanilang ekspedisyon patungong Spice Islands (o ang Moluccas). Pinaniniwalaang nasira at nasunog ito noong 1521 habang ang hukbo nina Magellan ay nasa Pilipinas.

Ang Ekspedisyon

Tinatayang 90 tonelada ang bigat ng Concepcion at nagkakahalagang 228,750 maravedis ang pagbuo nito, pumapangalawa sa pinakamababang presyo sa iba pang mga sasakyang-dagat sa ekspedisyon sumunod sa San Antonio (330,000 maravedis), Victoria (300,000 maravedis), Trinidad (270,000 maravedis), ngunit mas mahal sa Santiago (187,500 maravedis). Isinunod ang pangalan ng barkong ito sa Immaculate Concepcion, isa sa mga popular na debosyon sa Mahal na Birhen sa Seville.

Kasabay ng iba pang mga barko sa ekspedisyong ito, lumayag ang Concepcion sa Seville, Spain noong 10 Agosto 1519.

May sakay na 44 tauhan ang Concepcion, kabilang na ang Espanyol na Kapitan na si Gaspar de Quesada at alagad na si Juan Sebastián Elcano. Si Elcano naman ang nagtuloy at kumompleto sa ekspedisyon sakay ng Victoria (na pinangangasiwaan naman ni Luis De Mendoza nang siya ay buhay pa) noong 1522, ang unang sasakyang-pandagat na nakapaglakbay paikot ng mundo.

Pagdaong

Pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay, na sinamahan pa ng isang pag-aalsa, dumaong ang mga sakay ng Concepcion at iba pang mga natitirang barko (Trinidad at Victoria) sa Cebu, isang isla sa Karagatang Pasipiko at kabilang sa mga kapuluan na ngayon ay ang Pilipinas.

Nakipag-ugnayan ang mga mandaragat sa mga katutubo, at matapos ang pakikipagmabutihan kay Raha Humabon, si Magellan ay namatay sa tinaguriang Labanan sa Mactan noong 27 Abril 1521 na pinamunuan ni Lapulapu ng Mactan.

Matapos ang ilan pang mga sagupaan, sinira ng mga natitirang mandaragat ang Concepcion at hinati ang kanilang grupo sa Trinidad at Victoria. Ang dalawang barko na lamang ang nakarating sa Mollucas noong 5 Nobyembre 1521. Gayunman, tanging Victoria lamang ang nakabalik sa Spain sa pangunguna ng nabegador na si Elcano, kasama ang Italyanong iskolar at eksplorador na si Antonio Pigafetta.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.