Comprehensive Agrarian Reform Program

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988 o Republic Act Blg. 6657, mas kilala bilang Comprehensive Agrarian Reform Program, ay batas na pinirmahan ni Dating Pangulong Corazon C. Aquino noong 10 Hunyo 1988. Ito ang ikalimang Batas na pinirmahan hinggil sa reporma sa lupa mula pa sa panahon ng panunungkulan nina Pangulong Manuel L. Quezon, Ramon Magsaysay, Diosdado Macapagal, at Ferdinand E. Marcos[1].

Layon

Naglalayon itong maipamahagi sa mga magsasaka ang mahigit isang milyong ektaryang lupain agrikultural upang matugunan ang pangangailangan sa pagmamay-ari nang sarilinan o kolektibo ang lupa. Gayon ding layon ng programa ang pagkakaroon ng pag-unlad at industriyalisasyon sa mga bahaging rural ng bansa.

Probisyon

Ilan sa mga pangakalahatang probisyon ng CARP ang mga sumusunod:

  • Kombersyon ng lupa
  • Kombersyon upang maging fishpond at prawn farm ang lupa
  • Pagprotekta sa lugar ng mga bakawan (mangrove)
  • Hindi paniningil ng buwis at bayarin sa proseso ng paglilipat ng pag-aari ng lupa
  • Malayang pagpapatala ng mga patent at titulo torens
  • Hindi pakikialam ng ibang mga ahensya ng gobyerno sa proseso
  • Pagtulong ng iba pang entidad ng gobyerno
  • Disposisyon ng pribadong lupaing agrikultural
  • Mga sangla sa bangko
  • Pagpapaupa, pamamahala, kontrata sa pagpapalago o pagbibigay-serbisyo, pagsasangla at iba pang paghahabol

Nagtapos ang programa noong taong 1998 ngunit dahil sa ilang naging kakulangan sa pamamahagi ng lupa at hindi mainam na alokasyon ng budyet, ipinanukala at isinabatas ng Ika-11 Kongreso[2] ang Republic Ast 8532 na nagdagdag ng sampu pang taon sa programa hanggang 2008.

CARPER

Noong 2009 ipinasa naman ang Republic Act 9700 o ang [[Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), ang batas na naglalayong amyendahan ang ilang probisyon sa Republic Act 6657 at epektibo sa susunod na limang taon.

Ngunit ayon sa isang ulat[3], matapos ang apat na taon mula nang maipasa ang CARPER, mayroon pa ring 800,000 ektaryang lupain ang hindi pa maibabahagi.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.