Coco Technologies

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Coco Technologies Corporation ang pangunahing nagpoproseso ng mga hibla ng niyog (coco fiber) sa Filipinas. Binigyan ng Golden Shell Award ng Department of Trade and Industry ang nasabing kompanya. Ito ay espesyalista sa "bioengineering" at "erosion control installation" at kilala sa pagbebenta ng dikin, banig, lambat at iba pang produktong yari sa niyog sa mga lokal na pamilihan. Pangunahing kasosyo ng CTC ang Juboken Enterprise Inc. sa paggawa ng "bald decorticated fiber", "soil erosion control products", "horticultural products" at "coconut fiber pads". Ang tanggapan ng CTC ay matatagpuan sa 168 Quirino Highway Baesa, Lungsod Quezon.