Climate and Clean Air Coalition

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Climate and Clean Air Coalition to Reduce Short-Live Climate Pollutants (CCAC) ay isang samahang binuo ng United Nations Environment Programme (UNEP) at ng anim na mga bansa noong ika-16 ng Pebrero, 2012. Layunin ng CCAC ang pabilisin ang pagbawas sa mga sanhi ng polusyon sa mundo para mapangalagaan ang kalusugan, agrikultura at kapaligiran.

Layunin ng CCAC na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa eopekto ng mga short-lived climate pollutant (SCLP) sa klima, gayundin ang mga paraan kung paano maiiwasan ito. Layunin din ng samahan ang mapaunlad ang kaalaman sa SCLP at ang pagpigil dito gamit ang siyensiya.

Short-lived climate pollutants

Ang short-live climate pollutants ay mga partikula na nananatili sa atmospera mula ilang araw hanggang ilang taon. Nakakadagdag ang mga ito sa pag-init ng klima sa mundo, at nagiging sanhi ng ilang mga suliranin sa kalusugan, agrikultura at kapaligiran. Ilang halimbawa ng mga SCLP ang black carbon, methane, hydrofluorocarbons (HFCs) at ground-level ozone.

Mahalagang masolusyunan ang suliranin sa mga SCLP dahil sa epekto nito sa mga tao, hayop at kapaligiran. Sinasabing nasa anim na milyong tao ang namamatay taon-taon dahil sa polusyon sa hangin. Gayundin, nakakaapekto ang SCLP sa paglago ng mga panananim tulad ng mais, palay, trigo at utaw, na siyang pangunahing pagkain ng maraming mga grupo ng tao sa mundo. Kayundin, nakakadagdag sa pag-init ng klima sa mundo ang mga SCLP. Kung magpapatuloy ang paggamit ng mga bagay na naglalabas ng SCLP, maaring magkaroon ng malaking epekto ang mga ito sa klima at kalusugan ng mga tao sa mundo.

Mga Kasapi

  • United Nations Environment Programme
  • United States
  • Bangladesh
  • Canada
  • Ghana
  • Mexico
  • Sweden

Karagdagang mga Bansang nagbigay ng donasyon (Pebrero 2014)

  • Denmark
  • European Union
  • Germany
  • Japan
  • Netherlands
  • Norway

Mga Bansang Kasapi (mula Marso 2014)

  • Australia
  • Benin
  • canada
  • Central African Republic
  • Chile
  • Colombia
  • Cote d'Ivore
  • Denmark
  • Dominican Republoic
  • Ethiopia
  • Finland
  • France
  • Germany
  • Ghana
  • India
  • Ireland
  • Israel
  • Italy
  • Japan
  • Jordan
  • Republic of Jorea
  • Maldives
  • Mexico
  • Morocco
  • Netherlands
  • New Zealand
  • Nigeria
  • Norway
  • Peru
  • Poland
  • Russian Federation
  • Sweden
  • United Kingdom
  • United States
  • European Union

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.