Claudine Barretto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Claudine Margaret Castelo Barretto-Santiago o mas sumikat sa pangalang Claudine Barretto ay ang Prinsesa ng Teleserye ng Pilipinas. Siya ay isa sa mga pinakasikat na aktres sa bansa, kung kaya naman kinokonsidera siya sa ABS-CBN bilang pinakaimportanteng artista sa hanay ng mga alaga ng Star Magic. Bukod dito, hindi matatawaran ang kanyang husay sa pagganap sa bawat karakter na ibinibigay sa kanya.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 20 Hulyo 1979 sa Lungsod Maynila, siya ay anak nina Miguel Alvier Barretto at Estrella Santiago Castelo. Mayroon siyang anim pang mga kapatid na sina Mito, Mitchie, Jay-jay, Gretchen at Marjorie. Sina Gretchen at Marjorie ay katulad niyang pumasok rin sa syobis.

Personal na Buhay

Sa kanyang pagpasok sa syobis ay nakarelasyon niya ang anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno, na si Mark Anthony Fernandez.

Sa kanilang pagtatambal naman sa napakaraming proyekto sa telebisyon at sa pelikula, naging karelasyon niya rin sa tunay na buhay ang artistang Rico Yan na pumanaw na.

Taong 2006 nang siya'y magpakasal sa aktor na si Raymart Santiago. Ginanap ang kasal sa Tagaytay Highlands sa Tagaytay, Cavite. Dahil silang dalawa ay nagmula sa magkaibang istasyon sa telebisyon, maraming dumalo pareho mula sa ABS-CBN at GMA, maging ang mga nasa pinakamataas na posisyon. Bukod sa mga ito, naroroon rin ang kani-kanilang mga pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng syobis.

Noong ika-19 ng Hulyo 2007, isang araw bago ang kaarawan nilang mag-asawa, ay ipinanganak ni Claudine ang kanilang anak na pinangalanan nilang Rodrigo Santino. Ito ang kanilang pangalawang anak matapos kupkupin si Sabina Natasha noong ito'y dalawang buwang gulang pa lamang noong Hulyo 2004.

Sa Syobis

Simula

Noong siya'y 11 taong gulang pa lamang ay dumalo siya sa Repertory para sa karakter na Sandra Dee sa Grease.

Taong 1992 nang siya ay nadiskubre ni Johnny Manahan at kaagad isinama sa Ang TV na palabas sa ABS-CBN. Noon ay kilala pa lamang siya bilang nakababatang kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto. Dahil sa pagpapakita ng kakayahan sa pag-arte, naisama siya sa Home Along Da Riles bilang si Bing, isa sa mga anak ni Kevin na ginagampanan ng Hari ng Komedya na si Dolphy. Kinuha rin siya sa Oki Doki Doc bilang kapatid ni Agit Isidro at anak ng komedyanteng si Babalu.

Pagsikat

Naging bida siya sa Star Magic Presents nang dalawang beses at nagwagi ng Best TV Personality Award noong 1997 mula sa Star Awards para sa kanyang pag-arte sa yugtong Kasunduan.

Matapos noon ay naging bida na siya ng sarili na niyang teleserye, ang Mula sa Puso na kung saan nakatambal niya si Rico Yan.

Dahil sa kanyang walang tigil na paghusay, nakasama niya sa mga pelikula ang mga naghuhusayan at subok nang mga artistang sina Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Christopher de Leon, Gloria Diaz, Hilda Koronel, at Dolphy. Dito ay nasubukan ang kanyang kakayahan na umarte at makipagsabayan hindi lamang pagdating sa drama, kundi maging sa komedya.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan

  • Maligno (2008)
  • Walang Kapalit (2007)
  • Your Song: God Bless Ye Merry Gentlemen (2006)
  • Star Magic Presents: Family Pictures (2006)
  • Ikaw Ang Lahat Sa Akin (2005)
  • Komiks: Bampy (2005)
  • Nginiig (2005)
  • Marina (2004)
  • Buttercup (2003)
  • The Journey of My Life (2002)
  • Sa Dulo Ng Walang Hanggan (2002)
  • Saan Ka Man Naroroon (1999)
  • Gimik (1998)
  • Mula Sa Puso (1997)
  • ASAP Mania (1995)
  • Magandang Tanghali Bayan (1998)
  • FLAMES
  • Oki Doki Doc (1993)
  • Home Along Da Riles (1992)
  • Ang TV (1992)
  • Star Drama Theater Presents

Mga Pelikulang Tinampukan

  • Sukob (2006)
  • Dubai (2005)
  • Nasaan Ka Man (2005)
  • Milan (2004)
  • Kailangan Kita (2002)
  • Got 2 Believe (2002)
  • Oops! Teka Lang...Diskarte Ko 'To (2001)
  • Anak (2000)
  • Mula sa Puso (The Movie) (1999)
  • Soltera (1999)
  • Dahil Mahal na Mahal Kita (1998)
  • Flames (The Movie) (1997)
  • Calvento Files (The Movie) (1997)
  • Home Along Da Riles 2 (1997)
  • Madrasta (1996)
  • Mangarap Ka (1995)
  • May Nagmamahal Sa'yo (1996)
  • Radio Romance (1996)
  • Oki Doki Doc (The Movie) (1995)
  • Pare Ko(1995)
  • Lagalag : The Eddie Fernandez ( Lifestory ) (1994)
  • Muntik na Kitang Minahal (1994)
  • May Minamahal (1994)
  • Home Along Da Riles (The Movie) (1993)
  • Pulis Patola (1993)

Mga Parangal

  • Best Actress para sa Nasaan Ka Man - 2006 FAMAS Awards
  • Best Actress para sa Nasaan Ka Man - 2006 Maria Clara Awards
  • Movie Actress of the Year para sa Nasaan Ka Man - 2006 Star Awards
  • Best Actress para sa Milan - 2005 FAMAS Awards
  • Best Actress para sa Milan - 2005 FAP Awards
  • German Moreno Youth Achievement Award - 2002 FAMAS Awards

Mga Inendorsong Produkto

  • Pantene shampoo
  • Belo Smart Lipo
  • Lactum milk
  • Folded & Hung
  • Secosana bags
  • Pond's
  • Whisper

Mga Sanggunian

Mga Panlabas na Kawing