Clarita Carlos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Clarita R. Carlos ay eksperto sa agham pampolitika at akademiko. Siya ang hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos bilang National Security Advisor. Si Carlos ay nagsilbi bilang ika-16 pangulo ng National Defense College of the Philippines mula 1998 hanggang 2001, na siyang unang sibilyan at babae na namuno sa nasabing institusyon. Siya ay retiradong propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Edukasyon at Karera

Si Carlos ay nagtapos ng foreign service sa UP-Diliman, kung saan nagtapos din siya ng master at doctorate degree sa political science. Kumuha rin siya ng post-doctoral work sa political psychology sa Cornell University at comparative foreign policy analysis sa University of California sa Los Angeles bilang Fulbright Visiting Fellow.

Noong 1967, sa edad na 20, si Carlos ay nagsimulang magturo sa UP ng kursong political science. Nagretiro siya noong 2011 matapos ang 56 taong pagtuturo. Nakapagturo din siya sa Ateneo de Manila University at San Beda University. Kasabay ng pagiging direktor ng Center for Political and Democratic Reform, Inc. ay pinangunahan din niya ang Office of Strategic and Special Concerns ng Metropolitan Manila Development Authority. Naging tagapayo rin siya ng Senado at Kongreso ng Pilipinas. Siya ang executive director ng StratSearch Foundation. Marami na rin siyang nailathalang aklat na sumasaklaw sa politika, pamamamahala, depensa at seguridad, at polisiyang panlabas.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.