Cinemalaya 2012

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012, o mas kilala sa pinaikling Cinemalaya 2012, ay isang patimpalak para sa mga pelikulang indie (may maliit na pondo o/at ginawa sa pamamagitan ng digital) na naglalayong palaganapin, isulong at kilalanin ang mga obrang pampelikulang gawa ng mga Pilipinong naghahandog ng matapang at makabagong masining na pagtingin sa buhay ng mga Pilipino.

Inorganisa ng Cinemalaya Foundation, Inc. at ng Cultural Center of the Philippines (CCP), ginanap ang Cinemalaya 2012 noong Hulyo 21 hanggang 29 ng taong ito. Binuksan ang kumpetisyon ng obra ng batikang direktor na si Mario O'Hara, ang Babae sa Breakwater. Ipinalabas ito noong 20 Hulyo 2012, 6:15 n.h. sa CCP.

Itinanghal ang mga naglalabang mga pelikula sa halagang 150 piso kada palabas sa CCP, Trinoma at Greenbelt. May mga passes at diskwento para sa mga manonood sa CCP. May diskwentong kalahating presyo ang tiket para sa mga mag-aaral at dalawampung porsyento naman para sa mga Senior Citizen at kawani ng gobyerno at militar.

Maaari namang magamit ang Festival Pass (na nagkakahalaga ng 3,000 piso kada tao) upang makapanood sa lahat ng palabas sa festival at bibigyan ng souvenir program. Magagamit naman ang mga Films-in-Competition (FIC) Pass (2,000 piso kada tao) para makapanood sa lahat ng Films-in-Competition at bibigyan din ng souvenir program. Mapapanood naman ang apat (pinakamarami para sa isang araw) na pelikula gamit ang One-Day Pass na nagkakahalaga ng limang daang piso. Maaaring mabili ang mga passes at tiket sa CCP, Trinoma at Greenbelt.


Mga Kalahok sa Cinemalaya 2012

Kategorya ng Makabagong Maikling Pelikula

Shorts A

  • Bohe: Sons of the Waves ni Nadjoua E. Bansil
  • Pasahero ni Mario Celeda
  • As He Sleeps ni Sheron Dayoc
  • Balintuna ni Emmanuel Escalona Jr.
  • Victor by Jarell M. Serencio

Shorts B

  • Ang Paghihintay sa Bulong ni Sigrid Andrea P. Bernardo
  • Manenaya (Waiting) ni Richard Legaspi
  • Ruweda ni Hannah Espia
  • Sarong Aldaw ni Marianito Dio Jr.
  • Ulian (Senility) ni Chuck Gutierrez


Makabagong Pelikulang Ganap ang Haba

  • Ang Katiwala (The Caretaker) ni Aloy Adlawan
  • Ang Nawawala (What Isn't There) ni Marietta "Marie" Jamora
  • Oros nina Paul Sta. Ana and Obet Villela
  • Apparition nina Vincent Sandoval / Darlene Malimas
  • Mga Dayo (Resident Aliens) ni Julius Sotomayor Cena
  • Diablo ni Mes De Guzman
  • Intoy Syokoy ng Kalye Marino nina Lemuel Lorca at Jerry Gracio
  • Requieme! ni Loy Arcenas
  • Santa Nina ni Emmanuel Q.Palo
  • The Animals ni Gino Santos

Pagtatanghal ng mga Direktor

  • Bwakaw ni Jun Lana
  • Kalayaan (Wildlife) ni Adolfo B. Alix Jr.

Kamera Obskura ni Raymond Red Posas ni Jeffrey Jeturian Mga Mumunting Lihim ni Jose Javier Reyes


Mga Nagwagi at Parangal

Pinili ng mga Manonood (Audience Choice Award)

  • Maikling Pelikula, “Rueda” ni Hannah Espia
  • Pagtatanghal ng mga Direktor, “Bwakaw” ni Jun Lana
  • Kategorya sa Makabagong Pelikula, “Ang Nawawala” ni Marie Jamora

(Nagkamit din ang mga nagwagi ng premyong salapi—P20,000 para sa Maikling Pelikula, P60,000 para sa Pagtatanghal ng mga Direktor at P40,000 para sa Makabagong Pelikula)

Natatanging Pagkilala ng mga Hurado (Special Jury Award)

  • Maikling Pelikula, “Mananeya” ni Richard Legaspi
  • Pagtatanghal ng mga Direktor, “Kamera Obskura” ni Raymond Red
  • Kategorya sa Makabagong Pelikula, “Requime!” ni Loy Arcenas

(Nagkamit din ang mga nagwagi ng premyong salapi—P20,000 para sa Maikling Pelikula, P60,000 para sa Pagtatanghal ng mga Direktor at P50,000 para sa Makabagong Pelikula)

  • Pinakamahusay na Dula para sa Maikling Pelikula, Sigrid Andrea Bernardo para sa “Paghihintay sa Bulong”

Pagtatanghal ng mga Direktor (Directors Showcase Category)

  • Pinakamahusay na Paglapat ng Tunog, Ditoy Aguila para sa “Kalayaan”
  • Pinakamahusay na Paglapat ng Musika, Diwa de Leon para sa “Kamera Obskura”
  • Pinakamahusay na Editing, Vanessa de Leon para sa “Mga Mumunting Lihim”
  • Pinakamahusay na Disenyo ng Produksyon, Adolfo Alix Jr. para sa “Kalayaan”
  • Pinakamahusay na Sinematograpiya, Albert Banzon para sa “Kalayaan”
  • Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, Jose Javier Reyes para sa “Mga Mumunting Lihim”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Pangalawang Aktor, Art Acuna para sa “Posas”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Pangalawang Aktres, Pinagsamang pagganap nina Iza Calzado, Judy Ann Santos, Janice de Belen at Agot Isidro para sa “Mga Mumunting Lihim”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Aktor, Eddie Garcia for “Bwakaw”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Aktres, Pinagsamang pagganap nina Iza Calzado, Judy Ann Santos, Janice de Belen at Agot Isidro para sa “Mga Mumunting Lihim”

Kategorya para sa Makabagong Pelikulang Ganap ang Haba (New Breed Category)

  • Pinakamahusay na Paglapat ng Tunog, Addiss Tabong at Mike Idioma para sa “Aparisyon”
  • Pinakamahusay na Paglapat ng Musika, Mikey Amistoso, Diego Mapa, Jazz Nicolas para sa “Ang Nawawala”
  • Pinakamahusay na Editing, John Wong at Rona delos Reyes para sa “The Animal”
  • Pinakamahusay na Disenyo ng Produksyon, Benjamin Payumo para sa “Intoy Siyokoy ng Kalye Marino”
  • Pinakamahusay na Sinematograpiya, Tristan Salas para sa “Diablo”
  • Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, Rody Vera para sa “Requieme!”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Pangalawang Aktor, Joross Gamboa para sa “Intoy Siyokoy ng Kalye Marino”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Pangalawang Aktres, Anita Linda para sa “Santa Nina”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Aktor, Kristoffer King para sa “Oros”
  • Pinakamahusay na Pagganap bilang Aktres, Ama Quiambao para sa “Diablo”

NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) Awards

  • Pagtatanghal ng mga Direktor, “Bwakaw” ni Jun Lana
  • Makabagong Dulang Pampelikulang Ganap ang Haba, “Diablo” ni Mes de Guzman
  • Pinakamahusay na Direktor
    • Maikling Pelikula, Sheron Dayoc para sa “As He Sleeps”
    • Pagtatanghal ng mga Direktor, Raymond Red para sa “Kamera Obskura”
    • Makabagong Dulang Pampelikulang Ganap ang Haba, “Diablo” ni Mes de Guzman
  • Pinakamahusay na Pelikula
    • Maikling Pelikula, “Victor” ni Jarell Mahimay Serencio
    • Pagtatanghal ng mga Direktor, “Posas” ni Lawrence Fajardo
    • Makabagong Dulang Pampelikulang Ganap ang Haba, “Diablo” ni Mes de Guzman

(Nagkamit din ang mga nagwagi ng premyong salapi—P100,000 para sa Maikling Pelikula, P300,000 para sa Pagtatanghal ng mga Direktor at P200,000 para sa Makabagong Pelikula)


Panlabas na Kawing


Sanggunian



Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.