Christopher Cuan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Christopher Cuan.

Si Christopher "Amping" Cuan ay isang Pilipinong politiko. Nagsilbi siya bilang alkalde ng bayan ng Libungan sa North Cotabato. Dati rin siyang negosyante na nagmamay-ari ng ilang gas station. Nagsilbi rin siyang konsehal ng bayan bago siya tumakbo bilang alkalde noong 2016.

Noong 2016, nakasama si Cuan sa listahan ng tinatawag na "narco-politicians", o mga politikong sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa. Itinanggi ni Cuan ang akusasyon at humingi ng tulong kay Ronald dela Rosa na dating hepe ng Philippine National Police. Noong Oktubre ng parehong taon, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Cuan sa isang operasyon kontra droga. Walang natagpuang ilegal na droga sa bahay niya ngunit mayroong mga armas na natagpuan dito. Inaresto rin siya ng pulisya, pero nakalaya rin matapos magpiyansa.

Isa si Cuan sa mga opisyal ng gobyerno na tinanggalan ng karapatang mamahala sa pulisya noong 2017 dahil sa kaniya umanong kaugnayan sa illegal na droga.

Noong 2019, pinaputukan ng isang armadong lalaki ang munisipyo ng Libungan. Nakaligtas si Cuan sa insidente at matapos ito, sinabi niyang tinanggal na sa "narco list" ang kaniyang pangalan.

Noong ika-11 ng Enero 2021, binaril si Cuan habang nag-iinspeksyon sa ginagawang sabungan sa Barangay Cabaruyan. Dead on the spot si Cuan at ang kaniyang drayber na si Edwin Navarro Ihao.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.