Chito Gascon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Chito Gascon.

Chairperson of the Commission on Human Rights (CHR) Hon. Jose Luis Martin C. Gascon

Si Jose Luis Martin C. Gascon (26 Mayo 1964-9 Oktubre 2021) ay isang Pilipinong abogado, community organizer at human rights activist.

Nagsilbi siya bilang chairman ng Commission on Human Rights (CHR) mula 2015 hanggang 2021 matapos siyang italaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Bilang pinuno ng CHR, hiniling niya ang kaparusahan para sa mga sangkot sa madugong "war on drugs" ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Gascon ang pinakabatang miyembro ng 1987 Constitutional Constitution na tumulong sa pagsulat ng 1987 Constitution ng Pilipinas.

Edukasyon

Nagtapos si Gascon ng Bachelor of Arts in Philosophy at Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Pilipinas. Mayroon rin siyang Master of Law Degree specializing in Human Rights, Law of Peace, and Settlement of International Disputes mula sa St. Edmund's College sa University of Cambridge.

Nagturo siya ng mga kurso sa law, politics at human rights sa Political Science Department ng Ateneo de Manila University at De La Salle University.

Karera

Bilang isang student leader, isa si Gascon sa mga tumutol sa diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Matapos ang pagpatay kay Senador Benigno Aquino Jr., namuno si Gascon sa mga protesta sa mga paaralan para hilingin ang hustisya at pagbabago. Nahalal siya bilang chairperson ng UP University Student Council noong 1985 at pinamunuan ang kabataan sa People Power Revolution noong Pebrero 1986.

Nagsilbi si Gascon bilang undersecretary ng Department of Education (DepEd) mula 2002 hanggang 2005, at naging bahagi ng Political Affairs Department ng Office of the President mula 2011 hanggang 2014. Bahagi rin siya ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) bilang board member mula 2010 hanggang 2011. Kabilang din siya sa panel sa negosasyon sa National Democratic Front (NDF) mula 2011 hanggang 2004, at chairman ng Human Rights Monitoring Committee ng pamahalan mula 2010 hanggang 2014.

Noong 2015, itinalaga siya ni Pangulong Aquino bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights, kahalili ni Etta Rosales na nagretiro noong 2015. Sa panahon ng administrasyong Duterte, isa si Gascon sa mga kritiko ng madugong "war on drugs", na naging dahilan para atakihin siya ng mga kaalyado ni Duterte.

Mga Gawad at Pagkilala

  • Benigno S. Aquino Fellowship for Public Service, Embassy of the United States of America, 2001
  • Democracy and Development Fellowship, Stanford University Center on Democracy, Development, and Rule of Law, 2005
  • Reagan-Fascell Democracy Fellowship, International Forum for Democratic Studies of the National Endowment for Democracy, 2006
  • Asian Public Intellectual Fellowship, Nippon Foundation, 2007
  • Asian Leadership Fellowship, Japan Foundation, 2008

Kamatayan

Pumanaw si Gascon noong ika-9 ng Oktubre 2021 sa edad na 57 dahil sa sakit na COVID-19.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.