Charo Ronquillo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, pindutin ang kawing na ito.

Si Charo Ronquillo (ipinanganak sa Laguna nong 1988) ay isang Pilipina na nakabase sa New York City at tinaguriang “Kate Moss ng Asya.” Siya ay may tangkad na limang talampakan at siyam na pulgada, at may timbang na 110 na libra. Siya ang pangatlo sa nagwagi sa kompetisyon (second runner-up) sa Ford Models’ Supermodel of the World sa New York noong 2006 at ang kauna-unahang modelong Asyano na nakapasok sa top 3 (pangunahing tatlong nagwagi) sa kompetisyong ito na naghahanap ng modelong pang-internasyonal.

Personal na impormasyon at edukasyon

Si Ronquillo ay ipinanganak sa Cabuyao, Laguna noong 1988. Bilang batang babae, siya ay may pagka-tomboy noon hanggang sa pumasok na siya ng sekondarya, kung saan pinagtuunan na niya ng pansin ang kaniyang itsura at pinahaba ang kaniyang maitim na buhok. Dahil sa kaniyang mahabang buhok, makinis na kayumangging kutis, at tangkad, siya ay nadiskubre habang naglalaro ng basketbol sa isang arcade. Siya ay nag-audition sa ikalawang pangkat sa palabas ng GMA 7 na Starstruck. Nagawa niyang makaabot sa nangungunang 60 bago siya naalis sa kumpetisyon.

Siya ay nasa unang taon sa Unibersidad ng Perpetual Help at kumukuha ng kursong Business Management nang sumali siya sa 2005 Philippine Ford Supermodel Search. Napanalunan niya ang bawat parangal na maaaring matanggap sa nasabing kompetisyon, kasama na ang pangunahing premyo. Noong 2006, lumaban siya sa international level ng nabanggit na kompetisyon sa New York. Siya ay isa sa mga Asyano na nakasali. Siya ay 18 taong gulang pa lamang noong panahong iyon.

Karera

Matapos na makaabot siya sa tatlong pangunahing kalahok sa kompetisyon ng Ford, siya ay binigyan ng kontratang may halagang $100,000 ng Ford Modeling Agency. Mula noon, siya ay tumira na sa New York. Sa mga nakalipas na taon, siya ay nagtrabaho na sa maraming mga pangmodelong hanapbuhay sa Estados Unidos. Naging bahagi siya ng Fall 2006 Lacoste, Lela Rose, Nanette Lepore, at mga palabas ng Zero Maria Cornejo sa New York, ang 2007 Ann Taylor at Macy’s catalogs at ang 2008 J. Crew catalog. Siya rin ay kinuhanan ng litrato para sa Ralph Lauren’s American Living noong 2008.

Siya ay nakapagmodelo na para sa mga kilalang produkto kabilang na ang Lacoste, Lela Rose, Nanette Lapore, Zero Maria Cornejo, Tory Burch, Antonio Berardi, Kenneth Cole, Mac Cosmetics Barbie Collection, Zaldy ni Gwen Stefani, BCBG, Sisley at Benetton New York fashion Week.

Siya ay nagtrabaho sa Benetton New York Fashion Week F/W 2009-2010 para kay Elie Tahari at sa Paris Fashion Week Haute Couture FW 2011-2012 para kina Julien Fournié at Eric Tibusch. Siya ay naging isa sa mga modelo ni Chloe Dao sa bahagi ng Project Runway season 2.

Si Ronquillo ay lumabas sa maraming fashion at beauty editorials katulad ng Spanish Vogue, Indian Vogue, Teen Vogue, Marie Claire Paris, Marie Claire Paris US, ELLE Vietnam, Cosmopolitan US, at Glamour.

Siya rin ay lumabas sa mga lathala para sa Old Navy, Macy's, at Sak's Fifth Avenue.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.