Charito Solis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rosario Violeta H. Solis, na higit na kilala bilang si Charito Solis, ay premyadong aktor na Pilipino at minahal ng madla dahil sa pambihirang husay sa pagganap ng sari-saring papel ng babae sa lipunan. Ipinanganak siya noong 3 Oktubre 1935 sa Maynila. Siya ang tinaguriang Meryl Streep ng pelikulang Filipino, bagaman saliwa ang gayong tumbasan, dahil unang sumikat si Solis kay Streep at nagtataglay ng kariktan at talentong higit sa taglay ng Amerikanong aktor.

Si Solis ang kauna-unahang babaeng aktor na ginawaran ng FAMAS bilang "Pinakamahusay na Babaeng Aktor" sa limang pagkakataon sa iba't ibang panahon na ang sukdulan ay noong 1984. Matagumpay niyang naisalarawan ang iba't ibang karakter ng isang babae, na kung minsan ay mapaghamon at kung minsan ay maramdamin, o kaya'y mapang-akit kung hindi man mapaghimagsik, ngunit ang pinakaubod ay pagtatanghal ng kapani-paniwalang buhay ng anak, dalaga, kasintahan, at ina.

Pagpasok sa Siyobis

Dahil sa pangarap na malibot ang buong mundo ay naging atubili si Solis na pasukin ang magulong daigdig ng siyobis. Bitbit ng tiyuhing si Feliciano Constantino, si Solis ay ipinakilala ng tiyuhin sa may-ari at nagtatag ng LVN Pictures na si Narcisa de Leon. Sa edad 19, si Solis ay agad sumabak sa paggawa ng pelikula. Nagkamit siya ng siyam na parangal at 10 nominasyon para sa kaniyang mga pagganap. Namatay siya noong 9 Enero 1998 sanhi ng atake sa puso.

Ilan Sa mga Pelikulang Kaniyang Tinampukan

  • Ikaw Pa Rin ang Iibigin (1998)
  • Bayad Puri (1998)
  • Masarap, Masakit ang Magmahal (1997)
  • Enteng and the Shaolin Kid (1996)
  • Itataya Ko ang Buhay Ko (1996)
  • The Flor Contemplacion Story (1995)
  • Saan Ka Man Naroroon (1994)
  • Dahil Mahal Kita (1993)
  • Kadenang Bulaklak (1993)
  • Paranaque Bank Robbery: The Joselito Joseco Story (1993)
  • Okey Ka, Fairy Ko! II (1992)
  • Okey Ka, Fairy Ko! (1991)
  • Kislap sa Dilim (1991)
  • Bingbong: The Vincent Crisologo Story (1991)
  • Joey Boy Munti, 15 Anyos ka sa Muntilupa (1991)
  • Bakit Kay Tagal ng Sandali? (1990)
  • Huminga ka na Hangga't Gusto Mo (1990)
  • Sagot ng Puso (1990)
  • Ipaglalaban Ko (1989)
  • Mahirap ang Magmahal (1989)
  • Bakit Iisa Lamang ang Puso (1989)
  • Hiwaga sa Balete Drive (1988)
  • Tatlong mukha ng Pag-ibig (1988)
  • Baleleng at ang Gintong Sirena, Si (1988)
  • Lord, bakit Ako Pa? (1988)
  • Lorenzo Ruiz the Saint (1988) as
  • God Saves Me (1985)
  • Hinugot sa Langit (1985) as Juling
  • Naked Paradise (1985)
  • Kay Dali ng Kahapon, Ang Bagal ng Bukas (1985)
  • Bomba Arrienda (1985)
  • Pati ba Pintig ng Puso (1985)
  • Shake, Rattle & Roll (1984) as Lorna
  • Mahilig (1984)
  • Teenage Marriage (1984)
  • Naked Island (Butil-Ulan) (1984)
  • Dear Mama (1984)
  • Pieta, Ikalawang Aklat (1984)
  • Sinner or Saint (1984)
  • Karnal (1984)
  • Don't Cry for Me Mama (1983)
  • Minsan May Isang Ina (1983)
  • Pieta (1983)
  • Kisapmata (1981)
  • City After Dark (1980)
  • Huwad na Mananayaw, Mga (1979)
  • Gabun (1979)
  • Ina, Kapatid, Anak (1979)
  • Init (1979)
  • Tinik ng babae, Mga (1978)
  • Babae... Ngayon at Kailanman (1977)
  • Walang Katapusang Tag-Araw (1977)
  • Babae, Huwag Kang Tukso (1977)
  • Hindi Kami Damong Ligaw (1976)
  • Mrs. Teresa Abad Ako Po si Bing (1976)
  • Araw-araw, Gabi-Gabi (1975)
  • Batingaw (1974)
  • Pulubi, Ang (1969)
  • Ang Igorota (1968)
  • Langit sa Lupa, Ang (1968)
  • Luha sa Karimlan (1968)
  • Manila, Open City (1968)
  • Dahil sa Isang Bulaklak (1967)
  • Angustia (1963)
  • El Filibusterismo, El (1962)
  • Shaka (1961)
  • Emily (1960)
  • Kundiman ng Lahi (1959)
  • Limang Dalangin (1959)
  • Malvarosa (1958)
  • Krisalis (1957)
  • Sampung libong pisong pag-ibig (1957)
  • Walang Sugat (1957)
  • Ulilang Birhen (1956)
  • Dinayang Pagmamahal (1955)
  • Niña Bonita (1955)

Sanggunian