Cesar Virata

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Cesar Virata.

Si Cesar Enrique Aguinaldo Virata ay isang politiko at negosyanteng Pilipino na nagsilbi bilang ikaapat na Punong Ministro ng Pilipinas mula 1981 hanggang 1986. Siya rin ang corporate vice chairman ng Rizal Commercial Banking Corporation.

Pagsisilbi sa Gobyerno

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand E. Marcos si Virata bilang finance minister nong 1970 at nanatili siya sa posisyong ito hanggang 1986. Noong 1981, itinalaga rin siya bilang punong ministro ng bansa. Siya rin ang pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Akademya

Bago siya humawak ng mga posisyon sa pamahalaan, nagtuturo si Virata sa Unibersidad ng Pilipinas. Naging dekano rin siya ng College of Business Administration.

Personal na Buhay

Ikinasal si Virata kay Phylita Joy Gamboa, isang artista sa entablado, at mayroon silang tatlong anak, sina Steven Cesar, Gillian Joyce at Michael Dean. Kamag-anak ni Virata si dating pangulong Emilio Aguinaldo. Nagtapos rin si Virata ng masterado sa business administration sa Wharton School of the University of Pennsylvania.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.