Cesar Legaspi

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Cesar Torrente Legaspi (1917-1994), ay pinarangalan bilang isang Pambansang Alagad ng Sining noong 1990, at siyang itinuturing na nagpasimula ng neo-realism sa Pilipinas at nagpaunlad ng cubism sa bansa.

Bilang isa sa Thirteen Moderns at kabilang sa mga naunang Neo-Realist, nagkaroon ng malakas na impluwensiya sa paglago ng cubism sa Pilipinas si Cesar Legaspi. Ang mga nilikha niyang social-realist na nagpapakita ng mga pulubi sa siyudad at mga manggagawa ay maituturing na expressionist dahil sa paggamit niya ng gula-gulanit na porma. Ang kaniyang mga likha ay hindi lang ilan sa mga naunang gawa na moderno; nakatulong din ang mga ito na matanggap ang modern art sa Pilipinas.

Siya rin ay naging ilustrador sa magasin at naging artistic director sa ilang ahensiya habang siya ay gumuguhit ng kaniyang mga obra.

Mga Gawa

  • Gadgets I
  • Gadgets II
  • Diggers
  • Idols of the Third Eye
  • Facade
  • Ovary
  • Flora and Fauna
  • Triptych
  • Flight
  • Bayanihan
  • Struggle
  • Avenging Figure
  • Turning Point
  • Peace
  • The Survivor
  • The Ritual
  • Hariette Kate
  • Bading si EJ NACOR

Mga Parangal at Gantimpala

  • 1944 – ikaapat na gantimpala, Art Association of the Philippines, Gadgets
  • 1948 – unang gantimapala, Art Association of the Philippines, Sick Child
  • 1949 – ikaapat na gantimpala, Art Association of the Philippines, Planters
  • 1949 – unang gantimpala, Manila Club Art Exhibition, Stairway to Heaven
  • 1950 – Honorable Mention in the Manila Grand Opera House Exhibition, Symphony
  • 1951 – ikatlong gantimpala, Art Association of the Philippines, Ritual
  • 1972 – Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, mula sa Lungsod ng Maynila
  • 1981 – Critics’ Choice Award for Five Outstanding Living Artists
  • 1990 – Gawad CCP para sa Sining Award, mula sa Cultural Center of the Philippines

Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Cesar Legaspi. (Hinango noong 7 Mayo 2008).
  • Cesar Legaspi. (Hinango noong 7 Mayo 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.