Catholic Educational Association of the Philippines

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ay ang pambansang asosasyon ng mga institusyong pang-edukasyong Katoliko sa Pilipinas. Ang CEAP, na itinatag noong 1941, ay kasalukuyang may 1,525 kasaping paaralan at mahigit 120 super-intendente ng mga Katolikong paaralan sa bansa.

Pagkakatatag

Naging ideya ni Most Reverend Michael J. O’Doherty, DD, Arsobispo ng Maynila, noong 1941 ang magtatag ng isang asosasyon ng mga Katolikong paaralan sa Pilipinas. Dahil dito, naitatag ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) noong 2 Pebrero 1941, kasama ang mga punongguro na kaniyang inimbita. Ang CEAP ay naitatag bilang eksklusibong non-profit at non-stock na institusyon na nagtataguyod ng Katolikong edukasyon.

Ang mga unang nahirang na opisyal ng CEAP ay sina Ret. Rev. Msgr. Jose Jovellanos, Vicar General ng Arsobispo ng Maynila, bilang pangulo; Sister May Caritas, OP bilang pangalawang pangulo; at Rev. Brother E. Xavier, FSC bilang ingat-yaman.

2022 CEAP National Convention

Gaganapin ang 2022 CEAP National Convention sa SMX Convention Center-Manila, Pasay City mula Oktubre 25 hanggang Oktubre 28.

Sanggunian

“CEAP’s History.” https://www.ceap.org.ph/who-we-are/history. Accessed 16 Setyembre 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.