Carmen Velasquez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Carmen C. Velasquez (19131994) ang kauna-unahang Pilipinong nakapagtapos ng Ph.D. sa Fish Parasitology at nag-aral ukol sa Aquaculture. Kanyang pinag-aralan ang tungkol sa paglipat ng parasito, nematodes mula sa hayop patungo sa tao, gamit ang mga dolphin. Kanya ring pinag-aralan ang mga algaw at epekto nito sa isda. Siya ay pinarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1983.

Siya ay ipinanganak noong Agosto 7, 1913 sa Bayambang, Pangasinan. Nakapagtapos ng kurso ng Zoology sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1934, sa Unibersidad ng Michigan (1937) at doctorate degree (Ph.D. in Parasitology) mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1957.

Ang sulatin niyang "Digenetic Trematodes of Philippine Fishes", ang kauna-unahan sa buong Timog-Silangang Asya, na nagsilbing batayan tungkol sa Fish Parasitology at Aquaculture.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Carmen Velasquez. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.