Carlos Bermudez Gonzales

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Carlos Bermudez Gonzales ay ang ika–12 Arsobispo ng Maynila mulang 1722 hanggang 1729. Siya ay nagmula sa de los Angeles, Mexico.Siya ay paring sekular na may lisensiya sa pagkaabogado sa Batas ng Simbahan. Hinirang siyang Arsobispo ng Maynila noong 1722 at binasbasan noong 17 Hunyo 1725. Napilitang tumigil siya sa Mexico nang tatlong taon dahil sa kakulangan ng sasakyan patungo sa Maynila.

Nagsimula siyang manungkulan noong 15 Agosto 1728 at nagkaroon ng hidwaan kay Jose Cosio, ang gobernador-heneral noong panahon na iyon, dahil sa Colegio de San Felipe. Nagkasakit siya noong 5 Oktubre 1729 at namatay noong 13 Nobyembre 1729, sa edad 62. Inilibing siya noong 18 Nobyembre 1729 at dahil sa kaniyang habilin, ang kaniyang puso ay dinala sa Kumbento ng San Lorenzo sa Mexico.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.