Carl Balita

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Carl Espino Balita ay isang negosyante, rehistradong nars, midwife, at guro, na may diplomang gradwado at doktorado. Siya ay naging propesor sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa loob ng anim na taon bago naging dekano sa Dominican College sa loob ng limang taon. Siya ang chairman ng CEB Group of Companies kung saan nasa ilalim nito ang sumusunod: Carl Balita Review Center, Mahalta Resorts and Convention Center, Pedagony Learning Center, Little Lambs Kids Spa, at Ultimate Learning Series Publication. [1]

Siya ay opisyal na kandidato sa pagkasenador sa Halalan 2022 sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, ang partidong politikal ni Manila City Mayor Isko Moreno na tumatakbo naman bilang pangulo.[2]

Edukasyon

Si Balita ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa University of Santo Tomas, kung saan isa siyang academic Dean’s Lister. Sa apat na taon niya sa kolehiyo, lagi siyang nahihirang bilang class president. Nahalal din siya bilang presidente ng UST College of Nursing Student Council kung saan nanomina siya bilang presidente ng Central Council. Kasalukuyan din siyang presidente ng UST Nursing Alumni. Nagtapos din ng Master’s Degree in Nursing sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, na may mataas na pagkilala sa kaniyang thesis na “Caring Concepts of Filipino Nurses” na naitanghal sa International Nursing Conference sa Brunei Darussalam. Noong 2007, ang Lorma Colleges (La Union, Ilocos Norte) ay pinagkalooban siya ng Doctor of Humanities Philosophy (Honoris Causa) degree. Nagtapos din siya ng Graduate Degree in Education sa PLM at Certificate in Entrepreneurship mula sa De La Salle University-College of St. Benilde. Nagtapos din siya ng International Management Program sa Stanford University. [3]

Sa loob din ng 20 taon, naging host din siya sa mga programa hinggil sa negosyo ng DZMM at Teleradyo.

Pagsabak sa Politika

Noong 27 Setyembre 2021, nanumpa si Balita bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko kasabay si Samira Gutoc. Samantala, noong 7 Oktubre 2021 naman ay nagpasa siya ng kaniyang certificate of candidacy bilang senador sa Commission on Elections.[2]

Ayon sa isang pahayag ni Balita, handa niyang ibahagi ang kaniyang mga karanasan sa pagtataguyod ng dekalidad na organisasyon, ang kaniyang mataas na pinag-aralan, ang network na kaniyang nabuo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, at ang kaniyang kagustuhang mapahalagahan ang mga karanasan ng mga pinakabulnerableng sektor na pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic. [2]

Aniya, nahikayat siya ng partido na sumapi rito dahil ang tagapagtatag nito na si dating Senator Raul Roco ay isang edukador tulad niya at ang isa sa mga opisyal nito, si Jimmy Galvez-Tan, ay isa ring propesyonal sa kalusugan.[2]

Ang kaniyang islogan ay “3K” na nakatuon sa kalusugan, kabuhayan, karungungan, kaunlaran, kabataan, kayamanan (kasaganaan), katahimikan, kalikasan, at kasarinlan. [3]

Mga Parangal at Pagkilala

  • GANDINGAN Award by University of the Philippines
  • Golden Dove Award for Public Service by Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas
  • CMMA Hall of Fame Awardee for Radyo Negosyo
  • UST Outstanding Alumni Awardee for Business and Mass Media (Quadricentinneal Celebration)
  • Go Negosyo Youth Enabler Awardee
  • Best Lifestyle/Travel Show Host

Mga Sanggunian

  1. Dr Carl Balita. https://ph.linkedin.com/in/dr-carl-balita-78b85851. Accessed 9 Nobyembre 2021.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Pia Ranada. “Carl Balita files candidacy for senator under Isko Moreno's party.” Rappler, 7 Oktubre 2021. https://www.rappler.com/nation/carl-balita-files-candidacy-for-senator. Accessed 9 Nobyembre 2021.
  3. 3.0 3.1 Dr. Carl E. Balita. “A call from the voice within.” Business Mirror, 6 Oktubre 2021. https://businessmirror.com.ph/2021/10/06/a-call-from-the-voice-within/. Accessed 9 Nobyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.