Cannes International Film Festival

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Cannes International Film Festival ay taunang ginaganap sa lungsod ng Cannes sa Pransiya. Mula sa iba't ibang panig ng daigdig, dumarating ang iba't ibang indibidwal na may interes at malasakit sa sining ng pelikula para parangalan ang mga taong nasa harap at likod nito. Dagdag pa dito, mapapanood rin ang iba't ibang pelikula at handog at maari ding dumalo sa mga panayam at eksibit tungkol sa industriya. Layunin ng pagdiriwang na pasiglahin at pagyamanin ang paggawa ng pelikula habang pinananatili ang diwa ng pagtutulungan sa lahat ng bansang kasapi dito. [1]

Kasaysayan ng Pagdiriwang

Si Jean Zay, ministro para sa edukasyon at pinong sining (fine arts), ang bumuo ng konsepto para sa isang taunang festival. Ninais niyang magkaroon ng isang pandaigdigang karanasan ang Pransya na kawangis ng Venice Film Festival . Ang kauna-unahang pagdiriwang ay naganap sa lungsod ng Cannes noong 1939 sa ilalim ng pamamahala ni Louis Lumiere. Mula 1946 hanggang 1951, ipinagdiwang ang festival tuwing Setyembre, maliban noong 1948 at 1950 at mula 1952 hanggang sa kasalukuyan, ginaganap na ito tuwing buwan ng Mayo. [2]

Noong dekada '50, lalong sumikat ang festival dahil sa partisipasyon ng maraming batikang direktor, artista at iba pang mga indibidwal na may hilig sa pelikula mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pelikulang Marty ni Delbert Mann ang pinakaunang pelikulang naparangalan noong 1955. Ang mga pelikulang isinali ay mula sa pagpapasya ng kanilang bansang pinagmulan. Ngunit simula noong 1972, nagpasya ang administrasyon ng festival na sila ang mamimili ng mga pelikulang ihahanay sa kanilang opisyal na seleksiyon.

Noong 1978, nahirang si Gilles Jacob bilang Director-General. Sa taon ding ito, binuo niya ang Un Certain Regard selection at ang Camera d'Or award, na siyang nagpaparangal sa pinakamahusay na pelikula sa lahat ng seleksiyon. Noong 1998, binuo ni Jacob ang Cinefondation, isang seleksiyon para sa mga maiikling pelikulang nabuo mula sa mga film school sa buong mundo. Naitayo rin ang Residence, isang lunan kung saan maaring magtrabaho ang mga direktor at tapusin ang kanilang mga iskript. Naitaguyod din noong 2005 ang Atelier, isang organisasyon sa ilalim ng Cannes Film Festival na naglalayung tulungan ang dalawampung direktor na mabuo ang kanilang mga pelikula kada taon.

Gawad 2011

Narito ang talaan ng mga nakatanggap ng parangal sa taong ito na ginanap noong ika-22 ng Mayo sa Grand Theatre Lumiere sa lungsod ng Cannes. [3]

Feature Film

  • Palme d'Or

THE TREE OF LIFE ni Terrence Malick

  • Grand Prix Ex-aequo

BIR ZAMANLAR ANADOLU'DA (ONCE UPON A TIME IN ANATOLIA) ni Nuri Bilge Ceylan LE GAMIN AU VÉLO (THE KID WITH A BIKE) ni Jean-Pierre et Luc Dardenne

  • Parangal para sa Pinakamahusay ng Direktor

Nicolas Winding Refn para sa DRIVE

  • Parangal para sa Pinakamusay na Screenplay

Joseph Cedar sa HEARAT SHULAYIM (Footnote)

  • Parangal para sa Pinakamahusay na Aktres

Kirsten Dunst sa MELANCHOLIA ni Lars Von Treir

  • Parangal para sa Pinakamahusay na Aktor

Jean Dujardin sa THE ARTIST ni Michel Hazanavicius

  • Jury Prize

POLISSE (POLISS) ni Maiwenn

Maikling Pelikula

  • Palme d'Or - Maikling Pelikula

CROSS (CROSS - COUNTRY) ni Maryna Vroda

  • Jury Prize - Short Film

BADPAKJE 46 (SWIMSUIT 46) ni Wannes Destoop

Partisipasyon ng Pilipinas sa Cannes

Noong 2009, sa ika-62 pagdiriwang ng Cannes International Film Festival, nananalo bilang pinakamahusay na direktor si Brillante Mendoza sa kanyang pelikulang Kinatay (The Execution of P.). Siya ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng parangal. Tinalo niya ang iba pang mga nominadong batikang direktor na sina Quentin Tarantino, Ang Lee at Lars Von Trier. [4]

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya: Kasaysayan at Pangyayari