Candido Iban

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Candido Iban ay isa sa mga maliliit na bayani ng Pilipinas noong panahon ng Himagsikan. Siya ay naging kasapi ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila. Siya ay tubong Liloan sa bayan ng Malinao, Aklan. Napadpad siya sa Maynila noong taong 1895 at naging kasapi ng organisasyon dahil sa pagkumbinsi sa kanya ni Procopio Bonifacio.

Sa paglagablab ng rebolusyon sa kabuuang Maynila, si Candido at Francisco del Castillo ang inatasan ni Andres Bonifacio na bumuo ng Katipunan tsapter sa Visayas. Silang dalawa ang nagpakalap ng mga aral nina Bonifacio at Emilio Jacinto sa Aklan.

Sanggunian

  • Barrios, John E., "Kung Bakit Naitsapuwera ang mga Kuwentong Kababalaghan sa Kasaysayan ni Candido Iban." In History from the People. (Kasaysayan mula sa Bayan). (Quezon City: National Historical Institute and Philippine National Historical Society, 1999)

Pagkilala

25px Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.