Camarines Norte
Jump to navigation
Jump to search
Matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa Luzon ang Camarines Norte. Daet ang kabesera nito. Nasa kanluran ng Camarines Norte ang Quezon.
Saklaw
Nahahati sa 12 munisipalidad ang Camarines Norte. Kabilang sa munisipalidad nito ang Basud, Capalonga, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Santa Elena, Talisay, at Vinzons.
Wika
Bikol ang pangunahing wika ng mga taga-Camarines Norte. Gumagamit din sila ng wikang Tagalog at Ingles.
Ekonomiya
Ang Industriya ng niyog at pinya , paggawa ng alahas, laruan, at gamit pambahay ang ikinabubuhay ng mga taga-Camarines Norte.
Sanggunian
• Camarines Norte Geocities (hinango noong 21 Nobyembre 2007). • Camarines Norte Wow Philippines (hinango noong 21 Nobyembre 2007).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |