Cal Sobrepeña

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Felipe Sobrepeña Calusa o mas kilala sa tawag na Cal Sobrepeña ay isang Pilipinong dibuhista sa komiks. Ang Children's Bible sa Wikang Pilipino ang isa sa mga mahalaga niyang gawa. Pinarangalan siyang Best Komik Illustrator para sa kanyang guhit sa paunang pahina ng Lovelife Komiks.

Talambuhay

Si Cal Sobrepeña ay ipinanganak noong May 1, 1940 sa Pangasinan. Siya ang kaisa-isang anak nina Rufino Calusa at Teofila Sobrepeña. Ang kanyang ina ay namatay noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kanyang ama naman ay abala sa trabaho kung kaya't siya'y naiwan sa pangangalaga ng kanyang mga kamag-anak.

Sa murang edad ay nagtrabaho si Cal bilang Nagtapos si Cal ng sekundarya sa Quezon City High School sa Kamuning, Quezon City. Kumuha naman siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas. Habang nasa kolehiyo, nagtatrabaho si Cal bilang illustrator sa iba't ibang mga tindahan ng libro, at nagbibigay ng mga larawan sa mga librong ginagamit sa elementarya at sekundaryang paaralan.

Matapos niyang makamit ang kanyang titulo, nagkaroon siya kaagad ng trabaho sa isang lokal na palimbagan kung saan ginuhit niya ang lahat ng tauhan sa nobelang Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Nagtrabaho din siya bilang illustrator sa Graphic Arts Services, Inc (GASI), Atlas Publication, Islas Filipinas Publishing Company and ACE Publication.

Gumuhit din siya para sa UNICEF, Department of Health, at iba pang mga tagalimbag. Sa lahat ng mga gawa ni Cal, maituturing ang Children's Bible sa Wikang Filipino ang pinakamahusay. Tuwing katapusan ng linggo ay nagtuturo si Cal sa mga bata at nais matuto kung paano gumuhit. Tinuturo niya kung ano ang kanyang nalalaman nang hindi umaasa ng kahit na anong kapalit.

Hindi lamang sa sining magaling si Cal. Maging sa isports ay mahusay din siya. Mahusay siya sa paglalaro ng tennis, bowling, at martial arts. Isa siyang maestro sa aikido, judo, at karate.

Siya ay sumakabilang buhay noong 2004.

Gawa

  • Karpov
  • Darmo
  • Kandado
  • Vertud
  • Children's Bible sa Wikang Filipino
  • Daigaru
  • Don Juan Kamagong
  • Girl Scout

Parangal

  • Best Komik Illustrator para sa kanyang guhit sa paunang pahina ng Lovelife Komiks.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.