Buwaya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang buwaya ay reptile na kabilang sa family Crocoylidae (minsan ay nauuri bilang subfamily Crocodylinae). Tinatawag ding buwaya ang mga kabilang sa order Crocodylia gaya ng mga kabilang sa family Alligatoridae (alligator at caiman) at family Gavialidae (gharial).

Ang mga buwaya ay malalaking reptil, mahilig sa tubigan, at matatagpuan sa malaking bahagi ng Tropiko sa Asya, Aprica, ang Amerika, at Australia. Nahihilig na manirahan ang mga buwaya sa mga ilog na mabagal ang agos at kumain ng iba't ibang uri ng buhay at patay na mga mammal at isda. Ang ilang species, kilala dito ang Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australia at ng mga pulo sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran sa dagat.

Ibang tawag

Crocodile (Ingles), dapi, dapu (Kapampangan), krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), vaya (Ibanag)

Sa wikang Tagalog, parehong tinatawag na buwaya ang krokodilyo at aligeytor.Copewithcytoknes.de Sa Bibliya, tinagurian itong isang leviatan.

Taksonomiya ng Crocodylidae

Karamihan sa mga species ay nauuri sa genus Crocodylus. Ang ibang genus naman ng family na ito ay parehong monotypic: Osteolaemus at Tomistoma.

Sanggunian

  • Leviatan, Job 40:25, "buwaya", ayon kay Jose C. Abriol Kategorya:Reptilia Kategorya:Hayop ng Pilipinas Kategorya:Mga hayop sa Bibliya Kategorya:Leviatan