Bunsoy

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Bunsoy ay pamagat ng aklat pambatang isinulat ni Genaro R. Gojo Cruz at iginuhit ni Leo Kempis Ang. Ito ay inilathala ng LG&M Corporation sa ilalim ng Vibal Group, Inc. noong 2013.

Magkalayo ang Mag-ama

Isa sa mga tungkulin ng ating tatay bilang haligi ng pamilya ang paghahanapbuhay. Sinisikap niyang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya, kahit minsan, kailangan niyang mapalayo sa mga ito. Ganito ang nagyari sa mag-amang tampok sa Bunsoy.

Parehong nalulungkot sina Tatay at Bunsoy dahil sila ay nagkahiwalay. Dahil nasa malayong bansa, hindi na natuturuan ni Tatay si Bunsoy sa mga takdang-aralin nito. Hindi na rin siya naihahatid at nasusundo ni Tatay sa paaralan. Hindi na rin muna sila buo bilang pamilya na nakapagsisimba at nakapamamasyal. Malungkot si Bunsoy dahil wala si Tatay. Maraming gawain na sabay nilang ginagawa noon ang hindi na nila nagagawa. Maraming tanong si Bunsoy kung bakit kailangang umalis si Tatay. Malimit mang magkausap sa telepono at nagsusulatan, iba pa rin kung sila ay kompleto sa kanilang tahanan.

Para sa Pamilya

Sabi ni Tatay kay Bunsoy, sandali lamang siyang mawawala. Isipin lamang daw na may binili lang ang kaniyang Tatay sa bayan. Kailangang lumayo ni Tatay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya, higit na ang lumalaking si Bunsoy.

“Malapit na akong umuwi,” sabi ni Tatay kay Bunsoy kasabay ang pangakong kapag siya ay dumating, hindi na siya muling aalis pa. Muling makokompleto ang kanilang pamilya.

Sanggunian

Genaro R. Gojo Cruz, Leo Kempis Ang (illustrador). Bunsoy. Quezon City: LG&M Corporation, 2013. https://www.chikitingbooks.ph/products/bunsoy?_pos=1&_sid=b571ade77&_ss=r.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.