Bundok Iriga

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Bundok Iriga, nakikilala rin bilang Bundok Asog, ay isa sa mga bulkang aktibo sa Pilipinas, na nasa lalawigan ng Camarines Sur, sa Pilipinas. Ang Bundok Iriga ay isang istratobulkan na humigit-kumulang isang kilometro mula sa Lawang Buhi. Nakaangat ito nang 1,196 m (3,924 ft) na mayroong diyametrong paanan na 10 mga kilometro.[1] Pumutok ang Bundok Iriga noong 1628 at noong 1642.[1] Pangkalahatang nakikilala ang Bundok Iriga dahil sa mga pagsabog nitong preatiko.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Mount Iriga. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Retrieved on 2011-09-17.