Bundok Arayat

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Bundok Arayat ay isang potensyal na aktibong bulkan sa lalawigan ng Pampanga sa pulo ng Luzon sa Pilipinas ng may taas na 1026 metro (p 3366 talampakan). Walang naitalang bagay ukol sa huling pagputok nito, at ang huling pagputok nito ay tiyak na nangyari noong panahon ng Holoseno. Isang ulat-pagsusuri ang nagpapaalam na pumutok ang naturang bulkan noong huling 2,000 taon, ngunit pinapaniwalaang itinutukoy ito sa aktibidad heotermal ng bulkan.

Ang naturang bulkan ay makikita sa patag na munisipalidad ng Arayat. Patungong kanluran ay ang lungsod ng Angeles na may layong sampung milya at ang Clark Air Base. May layong higit sampung milya ito sa Bulkang Pinatubo,

Itinuturing ang bundok bilang isang mahiwagang bundok, ang mala-alamat na tahanan ng diwatang si Maria Sinukuan. May ilang beses na ring pagtatangkang magtatayo ng antena ng radyo sa tuktok ng bundok.

Pag-akyat ng Bundok

Dalawang daan ang magdadala sa dalawang tuktok ng Bundok Arayat. Sa Pambansang Liwasan ng Bundok Arayat sa bayan ng Arayat ay may daan sa unang tuktok nito. Ito ang mas kilalang daan na aabot mula tatlo hanggang apat na oras upang marating.

Sanggunian

  • "Arayat." Smithsonian Institution: Global Volcanism Program. Hinango 10 Marso 2021.