Bulutong

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang bulutong (smallpox) ay isang mapanganib at nakahahawang sakit na dala ng variola virus. Ang mas karaniwang uri at mas matinding anyo nito ay ang variola major. Banta sa kalusugan ang pagkakaroon ng bulutong at sa malalang kaso ay puwede itong ikamatay.

Sintomas

Karaniwan, ang mga pangunahing sintomas na lumilitaw ay mataas na lagnat na umaabot sa 101 hanggang 104 digri Fahrenheit, pagsakit ng ulo, pangingirot ng likod, pagkahapo, paminsan-minsang pagsusuka, at pagkalito. Pagkalipas ng 2-4 na araw matapos kakitaan ng mga sintomas ay saka magsusulputan ang mga pantal, butlig-butlig o pulang mga batik-batik sa dila at bibig at sa loob ng 24 oras ay kumakalat ito sa mukha, sa mga braso at mga binti, sa likod at sa iba pang parte ng katawan. Ang mga pantal ay nakaumbok at nagtutubig. Sa loob ng tatlong linggo ang mga tinatawag na “pustules” ay natutuyo at nagiging langib.

Lunas

Bakuna ang gamot laban sa bulutong dahil nababawasan ang paglala ng mga sintomas. Ang bakunang ukol sa bulutong ay buhay na “virus” na nililikha mula sa “virus” na vaccinia. Ang vaccinia ay isang uri ng “pox” virus na may kaugnayan sa bulutong. Ang bakuna ay nakatutulong sa katawang lumikha ng sariling panglaban sa “smallpox”. Ang unang dosis ng bakuna ay may bisa ng mga 3 hanggang 5 na taon, at maaari pa itong tumagal ng 10 taon. Ang iba ay binibigyan ng bakuna sa biglang paglitaw ng bulutong. Magpakunsulta sa duktor lalo pa't may mga kondisyon na bawal magpabakuna ng pangontra sa bulutong.

Nag-iiwan ng bakas na butas-butas na peklat sa mukha o balat ang taong nagkaroon ng bulutong.#

Pag-iwas

Ang bulutong ay nakakahawang sakit at kapag napabayaan ay maaaring makamatay. Ito ay direktang nakakahawa sa tao sa pamamagitan ng mga patak na nanggagaling sa hininga, “secretions” tulad ng sipon, at sugat sa balat. Ang matagalan at harapang pakikitungo ay dapat munang iwasan. Ang mga gamit na nagkaroon ng kontaminasyon sa taong binulutong ay dapat labhan kagaya ng damit, kumot, tuwalya at huwag ipagamit sa iba. Maging malinis.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.