Bulkang Cagua

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Bulkang Cagua ay isang stratovolcano na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Pilipinas. Ito ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas at dalawang beses nang sumabog sa naitalang kasaysayan. Nangyari ang huling pagsabog nito noong 1907.

Heograpiya

Ang Cagua ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Rehiyon ng Lambak ng Cagayan ng hilagang Luzon sa hilagang bahagi bulubunduking Sierra Madre. Ang bundok ay humigit-kumulang na Template:Convert timog ng Gonzaga, Cagayan at Template:Convert timog ng Port Irene sa Santa Ana, Cagayan.[1]

Heolohiya

Isang talon sa bunganga

Ang aktibidad ng unang bahagi ng Pleistocene ay nagpasabog ng basaltikong andesite o effusive basalt. Ang bulkan ay natatakpan ng napakalaking daloy ng lava 600,000 hanggang 300,000 taon na ang nakalilipas. Nagkaroon ito ng aktibidad mula saphreatic na pagsabog hanggang sa daloy ng abo. Ang bulkan ay napapatong ng isang bungangang may Template:Convert na lawak na minamarkahan ng matalim at matarik na pader.

Mayroon itong anim na mga mainit na bukal. Maasok malapit sa bunganga; Marafil sa hilagang-kanluran; Manaring, Template:Convert hilaga-hilagang-silangan; San Jose, Template:Convert hilaga-hilagang-silangan; Kabinlangan, Template:Convert hilagang-kanluran at Paminta, Template:Convert hilaga-hilagang-kanluran.[1]

Aktibidad

Dalawang pagsabog sa kasaysayan ang naganap sa bulkan. Ang aktibidad noong 1860 ay isang phreatic na pagsabog ngunit posibleng sinundan ito ng isang pyroclastic flow. Ang panibagong pagsabog ay nangyari noong 1907.[1]

Tingnan din

Mga Sanggunian

Mga panlabas na link

  1. 1.0 1.1 1.2 "Cagua". Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2014-09-26.