Bulakan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Bulacan


bulacan

Heograpiya

Ang Bulakan ay nasa timog-kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon. Ito ay nasa hanggahan ng Nueva Ecija mula hilaga, ng Aurora at Quezon sa silangan, ng Pampanga sa kanluran at Kalakhang Maynila at Look Maynila mula sa timog.

Binubuo ng 2,625.0 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Bulakan. Humigit kumulang 14 na porsiyento ng buong sukat ng Luzon ang sinasaklaw ng Bulakan. Mayroon itong 21 munisipalidad, tatlong lungsod at 569 barangay. Ang Lungsod Malolos ang kabisera ng naturang lalawigan.

Pinagmulan

Natuklasan ng mga mangingisda ang lugar na ito bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa. Nanggaling sila mula sa baybayin ng Maynila at lumipat sa lupaing ito kung saan mataba ang lupa at napapaligiran ng ilog at batis. Lumaki ang bilang ng mga naninirahan dito at ngayon ay kilala na bilang lalawigan ng Bulakan.

Pinaniniwalaang mula sa salitang "bulak" (kapok) o tinipil na salitang "bulaklak". Maaaring tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook na may maraming tanim na bulak o bulaklak.

Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay isa sa mga lalawigang nag-alsa sa mga Kastila. Ang Simbahan ng Malolos at Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga naging punong himpilan ni Pangulong Emilio Aguinaldo at ng kanyang batasan.

Pambansang Alagad ng Sining Mula sa Bulakan

Wika

Ang wika na kalimitang ginagamit sa Bulakan ay Tagalog samantalang ang ilang mga mamamayan sa hilagang bahagi nito ay nagsasalita sa wikang Kapampangan.

Industriya

Ang lalawigan ng Bulakan ay unti-unting nakikilala sa mga industriya tulad ng paggawa ng alahas, paputok, damit, sitsaron, at iba pa.

Sanggunian

  • Bulakan Bulakan (hinango noong 6 Nobyembre 2007).
  • Bulakan bulakan.gov (hinango noong 6 Nobyembre 2007).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.