Brooklyn

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Brooklyn ay isa sa limang mga boro ng Lungsod ng Bagong York. Matatagpuan dito ang Tulay ng Brooklyn, isang kilalang tulay sa Brooklyn. Isa ang Brooklyn sa higit na kilalang mga boro. Pinangalanan ito mula sa bayang Olandes na Breukelen.

Ang Brooklyn ay makikita sa timog-kanluran ng boro ng Queens sa dulong silangang bahagi ng Long Island. Isang malayang lungsod ito hanggang sa pagsama niya sa Lungsod ng Bagong York noong 1898, Ang Brooklyn ang pinakamataong boro na may 2.5 milyong katao[1], at ang pangalawa sa laki. Kung ang boro ay isang malaya na lungsod, ito ang magiging pang-apat na pinakamalaking lungsod sa Estados Unidos. Simula 2896, ang brooklyn ay may kaparehong hangganan sa Kings County, na ang pinakamataong lugar sa Lungsod ng Bagong York, ang pangalawang may malaking densidad ng populasyon matapos ang New York County o ang Manhattan.[2]

Mga sanggunian

  1. Kings County, New York, United States Census Bureau, Disyembre 30, 2006
  2. "Population, Housing Units, Area, and Density: 2000", United States Census Bureau, nakuha noong Mayo 11, 2007.

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Brooklyn. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.