Brides of Sulu (1934)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Brides of Sulu ay pelikulang ginawa ng mga Amerikano noong 1934. Gayunman, ang mga nagsipagganap rito ay mga Pilipinong aktor at ito ay kinunan sa Pilipinas. Isa itong silent movie at may pagsasalaysay sa wikang English dahil panahon ito ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Si John Nelson ang direktor nito at kuwento ni WM. K. Wells. Si James J. Gilbert ang nagsalaysay ng kuwento kung saan sa simula ay inilarawan ang pelikula bilang payak na kuwentong pag-ibig.

Ang Brides of Sulu ay tungkol sa pag-iibigan nina Assan (Eduardo de Castro) at Venita (Adelina Moreno). Hinahadlangan ang kanilang pag-iibigan ng amang datu ni Venita at nais siyang ipakasal sa ibang lalaki. Makikita sa pelikula ang tanyag na vinta ng mga Tausug at ang musika ng mga ito na itinatanghal sa mga pagtitipon. Tampok din ang makukulay na kasuotan ng mga maharlika at ang pamumuhay ng mga maninisid ng Sulu noong sinaunang panahon.

Sanggunian

Carmela G. Lapeña. “Is silent flick Brides of Sulu Pinoy or Kano?” GMA News, 27 Agosto 2011. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/230766/is-silent-flick-brides-of-sulu-pinoy-or-kano/story/. Accessed 24 Abril 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.