Boy Scouts of the Philippines
Ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) o Kapatirang Scout ng Pilipinas ay ang pambansang kapatiran ng mga lalaking iskawt sa Pilipinas na itinatag noong 10 Oktubre 1936, alinsunod sa Panukalang Batas Bilang 111 sa ilalim ng Pamahalaang Commonwealth.
Boy Scouts of the Philippines | |
Bansa | Philippines |
Petsa | 1936-10-31 |
Kasaysayan
Ang konsepto ng pag-iiskawt sa bansa ay nagsimula noon pa mang 1910 sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Ang kauna-unahang naitalang grupong may mga kasaping Pilipino ay noong 1914 na binuo ng dalawumpu't isang Muslim at tinawag na "Lorillard Spencer Troop," ipinangalan sa anak na iskawt sa Estados Unidos ni Gng. Caroline Spencer, isang Amerikanang biyuda na nagbigay suporta sa grupo habang nagkakawanggawa sa lalawigan ng Sulu.
Noong 1923 nabuo ang Philippine Council na pinagtibay ng Boy Scouts of America sa pagtutulungan ng ilang Pilipino, Amerikano, at Tsino. Ito ang nagbunsod sa pagkakapanukala ng Saligang Batas 111 noong 1936 sa ilalim nang pamamahala ni Pang. Manuel L. Quezon.
Bisyon
Adres: | 181 Natividad Lopez Street, Ermita, 1000 Lungsod Maynila, Pilipinas |
Telepono: | 527-8317 to 20 |
Fax: | (0632) 528-0577 |
E-mail: | bsp_prcom@yahoo.com phiscout@skyinet.net |
Websayt: | http://www.phiscout.org/index.aspx |
Ang maging pangunahing tagapagtaguyod ng isang progresibong di-pormal na edukasyon na walang ibang nilalayon kundi ang makalikha ng isang mamamayang malaki ang pagpapahalaga sa moralidad, may disiplina, may malasakit, at mapagkakatiwalaan.
Misyon
- Ang ipatimo sa isipan ng mga iskawt ang pagmamahal sa Diyos, sa bansa, at sa kapuwa;
- Ang maihanda ang kabataan sa responsableng pamumuno; at
- Ang maging bahagi sa pagbuo ng isang lipunang naaayon sa patakaran, prinsipyo, at programa ng pag-iiskawt.
Ang Panunumpa ng Iskawt
Sa ngalan ng aking dangal,
ay gagawin ko ang buong makakaya;
Upang tumupad sa aking tungkulin,
sa Diyos at sa aking Bayan,
ang Republika ng Pilipinas
at sumunod sa Batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;
Pamalagiing malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal.
Ang Batas ng Iskawt
Ang Batas ng Iskawt |
---|
Ang Lalaking Iskawt ay mapagkakatiwalaan. Ang Lalaking Iskawt ay matapat. Ang Lalaking Iskawt ay matulungin. Ang Lalaking Iskawt ay mapagkaibigan. Ang Lalaking Iskawt ay magalang. Ang Lalaking Iskawt ay mabait. Ang Lalaking Iskawt ay masaya. Ang Lalaking Iskawt ay matipid. Ang Lalaking Iskawt ay matapang. Ang Lalaking Iskawt ay malinis. At higit sa lahat, ang Lalaking Iskawt ay maka-Diyos. |
Ang Pamilya ng BSP
Ang kasapian ng BSP ay nahahati sa limang pangkat, ayon sa kanilang edad:
- KID (Kabataang Imumulat Diwa) — edad 4-5
- KAB (Kabataang Alay sa Bayan) Scout — edad 6-9
- Boy Scout — edad 10-12
- Senior Scout — edad 13-17
- Rover Scout — edad 16-24
Sanggunian
- Hango sa Opisyal n Websayt ng BSP (noong 14 Marso 2008).
- Hango sa BSP History(noong 14 Marso 2008)
- Hango sa Merit Badge Center, Philippines (noong 14 Marso 2008)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Kategorya:Kasaysayan at Pangyayari
Kategorya:Edukasyon
Kategorya:Politika