Boron

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang boron (Ingles: boron, may sagisag na B, atomikong bilang na 5, atomikong bigat na 10.118, punto ng pagkatunaw na 2,300oC, nagkakaroon ng sublimasyon sa 2,550oC, may espesipikong grabidad na 2.34 (anyong kristalina), at balensiyang 3) ay isang hindi metalikong elemento na malambot at kakulay ng kape, at nasa anyong amorpus o kristalina. Nakukuha ang mga ito mula sa kerito at boraks. Naihiwalay ito nina Humphry Davy, Joseph Louis Gay-Lussac at Louis Jacques Thénard noong 1808 sa pamamagitan ng reaksiyon ng asidong boriko at ng potasyo. Tinawag ito ni Davy bilang boracium.[1] Nagagamit ang elementong ito para sa paggawa ng mga pampasibad na kemikal, sa mga pampailaw, panggasgas, at maging para sa aloy na matitigas.

Mga sanggunian

  1. Weeks, Mary Elvira (1933). "XII. Other Elements Isolated with the Aid of Potassium and Sodium: Beryllium, Boron, Silicon and Aluminum", The Discovery of the Elements. Easton, PA: Journal of Chemical Education. ISBN 0-7661-3872-0.