Bob Couttie

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Robert Donald "Bob" Couttie ay isang manunulat, director ng pelikula at mamamahayag na Briton. Kilala siya bilang isa sa mga tagasuporta sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa Pilipinas.

Ipinanganak sa Surrey, England si Couttie at nanirahan sa Balangiga sa Eastern Samar. Kilala rin siya sa kaniyang nobelang "Hang the Dogs: The True Tragic History of the Balangiga Massacre".

Miyembro si Couttie ng Philippine National Historical Society at nanirahan sa Pilipinas sa loob ng 30 taon.

Pumanaw si Couttie noong ika-21 ng Setyembre 2021 sa edad na 71.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.