Biyolohiya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang biyolohiya o haynayan ay isang natural na siyensiya na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo, kabilang ang kanilang balangkas, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya. Maraming disiplina na sumasailalim sa biyolohiya, na pinagkakaisa ng limang mga tinatawag na aksiyoma ng makabagong biyolohiya:

  1. Ang mga sihay ang mga batayang yunit ng buhay
  2. Ang mga gene ang mga batayang yunit ng pagmamana ng katangian
  3. Ang mga bagong species o espesye at ang mga namamanang mga katangian ay mga produkto ng ebolusyon
  4. Ang isang organismo ay nagreregula ng panloob na kapaligiran nito upang panatilihin ang isang matatag at hindi nagbabagong kondisyon
  5. Ang mga nabubuhay na organismo ay kumokonsumo at nagbabago ng enerhiya

Ang mga disiplinang sumasailalim sa biyolohiya ay inilalarawan ayon sa eskala na pinag-aaralang mga organismo at mga pamamaraang ginagamit upang pag-aralan ang mga ito: Ang bayokemistri o biokimika ay nagsisiyasat ng rudimentaryong kimika ng buhay; ang biyolohiyang molekular ay nag-aaral ang mga masalimuot na mga interaksiyon sa pagitan ng mga biolohikal na molekula; ang biolohiyang sihay ay nagsisiyasat ng basikong pantayong bloke ng lahat ng buhay na sihay; ang pisyolohiya ay nagsisiyasat ng mga tungkuling pisikal at kimikal ng mga tisyu, organo at mga sistemang organo ng isang organismo; ang biyolohiyang ebolusyonaryo ay nagsisiyasat ng mga pagbabago na lumilikha ng dibersidad ng buhay; at ang ekolohiya ay nagsisiyasat kung paano nakikipag-ugnayan sa kanilang kapaligiran ang mga organismo.

Etimolohiya

Isang makabagong katawagan ang salitang biyolohiya. Ipinakilala ito ni Gottfried Reinhold Treviranus, isang propesor ng panggagamot at matematika sa liseo ng Bremen. Ginamit ni Treviranus ang salita sa loob ng kaniyang treatise na Biologie; oder die Philosphie der lebenden Natur noong 1802. Inampon ni Jean-Baptiste Lamarck ang termino. Sa ngayon, ginagamit na ito sa buong mundo.

Ang salitang haynayan ay galing sa mga salitang buhay at kasanayan. Ito ay salitang binuo ng mga purista noong panahon ng Lumang Tagalog na kalauna'y hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon sa panahon ng Wikang Filipino, ngunit may iba rin namang gumagamit nito.

Mga pundasyon ng modernong biyolohiya

Ang modernong biyolohiya ay pinagkakaisa ng limang mga prinsipyo: ang teorya ng sihay, ebolusyon, henetika, homeostasis, at enerhiya

Teorya ng sihay

Ang teoriya ng sihay ay nagsasaad na ang sihay ang pundamental na yunit ng buhay, at ang lahat ng mga nabubuhay na organismo ay binubuo ng isa o higit pang mga sihay o mga produkto ng mga sihay nito (e.g. mga shell).

Ang lahat ng mga sihay ay lumilitaw mula sa ibang mga sihay sa pamamagitan ng paghahati ng mga ito. Sa mga organismong mas marami sa isa ang sihay, ang bawat sihay sa katawan ng organismo ay nagmumula sa isang sihay sa isang fertilisadong itlog. Ang sihay ay ang basikong unit ng iba't ibang proseso.

Ang pagdaloy naman ng enerhiya ay nangyayari sa mga sihay sa mga prosesong bahagi ng tungkuling tinatawag na metabolismo. Ang mga sihay ay naglalaman ng impormasyong namamana ng DNA na ipinapasa mula sihay sa ibang sihay habang nangyayari ang paghahati ng sihay.

Ebolusyon

Isa sa mga sentral na konsepto sa biyolohiya ang ideya na nagbabago at umuunlad ang mga organismo sa pamamagitan ng ebolusyon, at na may karaniwang pinagmulan ang lahat ng anyo ng buhay. Itinuturing ng mga biologo ang pagiging pangkalahatan at pag-iral saanman ng kodigong henetiko bilang depinitibong ebidensiya na pumapabor sa teorya ng ebolusyon.

Ayon sa mga pag-aaral, umuunlad ang mga species at mga breed sa pamamagitan ng proseso ng natural na at artipisyal na seleksiyon, o selektibong pagpaparami ng organismo.

Henetika

Ang mga gene ang mga pangunahing unit ng pagmamana sa lahat ng mga organismo. Ito ay tumutugma sa isang rehiyon ng DNA na nag-iimpluwensiya ng anyo o tungkulin ng isang organismo sa mga spesipikong paraan.

Ang lahat ng mga organismo mula bakterya hanggang sa mga hayop ay nagsasalo ng parehong makinarya na kumokopya at nagsasalin ng DNA sa mga protina. Ang mga sihay ay nagtatranskriba ng isang DNA gene tungo sa isang bersiyong RNA ng gene at pagkatapos ang isang ribosome ay nagsasalin ng RNA sa protina na isang sekwensiya ng mga asidong amino. Ang nagsasaling kodigo mula sa RNA codon tungo sa asidong amino ay pareho para sa karamihan ng mga organismo ngunit kaunting iba para sa iba. Halimbawa, ang isang sekwensiay ng DNA na nagkokodigo para sa insulin sa mga tao ay nagkokodigo ng insulin kapag ipinasok sa ibang mga organismo gaya ng mga halaman.

Ang mga DNA ay karaniwang nangyayari bilang mga linyar na kromosoma sa mga eukaryote at ang mga sirkular na kromosoma sa mga prokaryote. Ang isang kromosoma ay isang organisadong istruktura na binubuo ng DNA at mga histone. Ang hanay ng mga kromosoma sa isang sihay o ibang mga lokasyon ay sama samang tinatawag na genome. Sa mga eukaryote, ang genomic DNA ay matatagpuan sa nukleyo ng sihay kasama ng maliliit na mga halaga sa mga mitochondria at mga chloroplast. Sa mga prokaryote, ang DNA ay matatagpuan sa loob ng isang hindi regular na hugis na katawan sa cytoplasm na tinatawag na nucleoid.

Ang impormasyong henetiko sa isang genome ay nasa loob ng mga gene at ang kumpletong pagbuo ng impormasyong ito sa isang organismo ay tinatawag na genotype nito. Ang lahat ng nabubuhay na organismo ay nagpapakita ng bariasyon o pagkakaiba sa loob ng isang populasyon at sa pagitan ng mga populasyon. Ang bariasyong henetiko ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng materyal na henetiko para sa natural na seleksiyon.

Homeostasis

Ang homeostasis ang kakayahan ng mga bukas na sistema na magregula ng panloob na kapaligiran nito upang panatilihin ang matatag na mga kondisyon. Nagpapakita ng homeostasis ang lahat ng organismo. Isang halimbawa nito ang paglalabas ng glucagon ng katawan kapag bumaba ang lebel nito ng asukal.

Enerhiya

Kailangang kumuha ng enerhiya ng mga buhay na organismo para mabuhay. Ang mga reaksiyong kimikal na responsable para sa istruktura nito ay isinasaayos upang kumukha ng enerhiya mula sa mga substansiya na nagsisilbi nitong pagkain, at binabago ang mga ito upang makatulong na bumuo ng mga bagong sihay at tustusan ang mga ito.

Sa prosesong ito, ang mga molekula ng mga substansiyang kimikal na bumubuo ng pagkain ay gumagampan ng dalawang mga papel: una ay naglalaman ito ng enerhiya na mababago para sa mga biyolohikal na reaksiyong kimikal, ikalawa, ang mga ito ay bumubuo ng mga bagong istrukturang molekular na binubuo ng mga biyomolekula. A

Mga sangay

  • Anatomiya (Anatomy)
  • Araknolohiya (Arachnology)
  • Araling Buhay-gubat (Wildlife Studies)
  • Araling Laksambuhay (Biodiversity Studies)
  • Astrobiyolohiya (Astrobiology)
  • Bioimpormatika
  • Birolohiya (Virology)
  • Biyoheograpiya (Biogeography)
  • Biyokimika (Biochemistry)
  • Biyopisika (Biophysics)
  • Botanika (Botany)
  • Sitolohiya
  • Dendrolohiya
  • Pangkaunlarang Biyolohiya
  • Ekolohiya (Ecology)
  • Embriyolohiya (Embryology)
  • Entomolohiya (Entomology)
  • Etolohiya
  • Ebolusyonaryong Biyolohiya
  • Henetika (Genetics) / Genomics / Proteomics
  • Herpetolohiya
  • Histolohiya
  • Biyolohiyang Pantao / Antropolohiya (Anthropology) / Primatology
  • Iktiyolohiya (Ichthyology)
  • Limnolohiya
  • Malacolohiya
  • Mamalohiya
  • Biyolohiyang Pandagat
  • Mikrobiyolohiya / Bakteryolohiya (Bacteriology)
  • Biyolohiyang Molekular
  • Mikolohiya / Likenolohiya
  • Nematolohiya
  • Ornitolohiya (Ornithology)
  • Palaeontolohiya
  • Pikolohiya
  • Pilohenetika
  • Pisyolohiya (Physiology)
  • Patolohiyang Panhalaman
  • Soolohiya (Zoology)
  • Taksonomiya (Taxonomy)

Sanggunian

  • Based on definition from Aquarena Wetlands Project glossary of terms.
  • Avila, Vernon L. (1995). Biology: Investigating life on earth. Boston: Jones and Bartlett. mga pa. 11–18. ISBN 0-86720-942-9.
  • Life Science. Weber State Museum of Natural Science.
  • Mazzarello, P (1999). "A unifying concept: the history of cell theory". Nature Cell Biology. 1 (1): E13–E15. doi:10.1038/8964. PMID 10559875.
  • De Duve, Christian (2002). Life Evolving: Molecules, Mind, and Meaning. New York: Oxford University Press. pa. 44. ISBN 0-19-515605-6.
  • Futuyma, DJ (2005). Evolution. Sinauer Associates. ISBN 978-0-87893-187-3. OCLC 57311264 57638368 62621622.
  • Darwin, Charles (1859). On the Origin of Species, 1st, John Murray
  • Simpson, George Gaylord (1967). The Meaning of Evolution (ika-Second (na) edisyon). Yale University Press. ISBN 0-300-00952-6.
  • Phylogeny. bio-medicine.org
  • Neill, Campbell (1996). Biology; Fourth edition. The Benjamin/Cummings Publishing Company. pa. G-21 (Glossary). ISBN 0-8053-1940-9.
  • ICTV Virus Taxonomy 2009
  • "80.001 Popsiviroidae – ICTVdB Index of Viruses." U.S. National Institutes of Health website. Retrieved on 2009-10-28.
  • "90. Prions – ICTVdB Index of Viruses." U.S. National Institutes of Health website. Retrieved on 2009-10-28.
  • "81. Satellites – ICTVdB Index of Viruses." U.S. National Institutes of Health website. Retrieved on 2009-10-28.
  • Margulis, L; Schwartz, KV (1997). Five Kingdoms: An Illustrated Guide to the Phyla of Life on Earth (ika-3rd (na) edisyon). WH Freeman & Co. ISBN 978-0-7167-3183-2. OCLC 223623098 237138975.
  • Woese C, Kandler O, Wheelis M (1990). "Towards a natural system of organisms: proposal for the domains Archaea, Bacteria, and Eucarya". Proc Natl Acad Sci USA. 87 (12): 4576–9. Bibcode:1990PNAS...87.4576W. doi:10.1073/pnas.87.12.4576. PMC 54159. PMID 2112744.
  • Heather Silyn-Roberts (2000). Writing for Science and Engineering: Papers, Presentation. Oxford: Butterworth-Heinemann. pa. 198. ISBN 0-7506-4636-5.
  • "Recommendation 60F". International Code of Botanical Nomenclature, Vienna Code. 2006. mga pa. 60F.1.
  • John McNeill (1996-11-04). "The BioCode: Integrated biological nomenclature for the 21st century?". Proceedings of a Mini-Symposium on Biological Nomenclature in the 21st Century.
  • "The Draft BioCode (2011)". International Committee on Bionomenclature (ICB).
  • Greuter, W.; Garrity, G.; Hawksworth, D.L.; Jahn, R.; Kirk, P.M.; Knapp, S.; McNeill, J.; Michel, E.; Patterson, D.J.; Pyle, R.; Tindall, B.J. (2011). Draft BioCode (2011): Principles and rules regulating the naming of organisms. Taxon. 60: 201-212.
  • Hawksworth, D.L. (2011). Introducing the Draft BioCode (2011). Taxon. 60(1): 199–200.
  • Marcial, Gene G. "From SemBiosys, A New Kind Of Insulin". INSIDE WALL STREET. August 13, 2007.
  • Thanbichler M, Wang S, Shapiro L (2005). "The bacterial nucleoid: a highly organized and dynamic structure". J Cell Biochem. 96 (3): 506–21. doi:10.1002/jcb.20519. PMID 15988757.
  • "Genotype definition" Medical Dictionary definitions.
  • Sawyer, SA; Parsch, J; Zhang, Z; Hartl, DL (2007). "Prevalence of positive selection among nearly neutral amino acid replacements in Drosophila". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 104 (16): 6504–10. Bibcode:2007PNAS..104.6504S. doi:10.1073/pnas.0701572104. PMC 1871816. PMID 17409186.
  • Griffiths, William M.; Miller, Jeffrey H.; Suzuki, David T.; Lewontin, Richard C.; Gelbart, mga pat. (2000). "Variation and its modulation". An Introduction to Genetic Analysis (ika-7th (na) edisyon). New York: W. H. Freeman. ISBN 0-7167-3520-2.
  • Gillespie, John H. (2001). "Is the population size of a species relevant to its evolution?". Evolution. 55 (11): 2161–2169. PMID 11794777.
  • Griffiths, William M.; Miller, Jeffrey H.; Suzuki, David T.; Lewontin, Richard C.; Gelbart, mga pat. (2000). "Random events". An Introduction to Genetic Analysis (ika-7th (na) edisyon). New York: W. H. Freeman. ISBN 0-7167-3520-2. More than one of |editor1-first= at |editor-first= specified (tulong)
  • Darwin, Charles (1859). On the Origin of Species (ika-1st (na) edisyon). London: John Murray. pa. 1. ISBN 0-8014-1319-2. Related earlier ideas were acknowledged in Darwin, Charles (1861). On the Origin of Species (ika-3rd (na) edisyon). London: John Murray. xiii. ISBN 0-8014-1319-2.
  • Gavrilets, S (2003). "Perspective: models of speciation: what have we learned in 40 years?". Evolution; international journal of organic evolution. 57 (10): 2197–215. doi:10.1554/02-727. PMID 14628909.
  • Rodolfo, Kelvin. "Explanation of Homeostasis". scientificamerican.com. Retrieved 16 Oktubre 2009.
  • D.A. Bryant & N.-U. Frigaard (2006). "Prokaryotic photosynthesis and phototrophy illuminated". Trends Microbiol. 14 (11): 488–96. doi:10.1016/j.tim.2006.09.001. PMID 16997562. Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  • Smith, A. L. (1997). Oxford dictionary of biochemistry and molecular biology. Oxford [Oxfordshire]: Oxford University Press. pa. 508. ISBN 0-19-854768-4.
  • Katrina Edwards. Microbiology of a Sediment Pond and the Underlying Young, Cold, Hydrologically Active Ridge Flank. Woods Hole Oceanographic Institution.
  • Campbell, Neil A. and Reece Jane B (2001). "6". Biology. Benjamin Cummings. ISBN 978-0-8053-6624-2. OCLC 47521441 48195194 53439122 55707478 64759228 79136407
  • Bartsch/Colvard, The Living Environment. (2009) New York State Prentice Hall Regents Review. Retrieved 16 Oktubre 2009.