Billy Crawford

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Billy Joe Crawford ay ipinanganak noong ika-16 ng Mayo 1982. Kilala siya bilang isang magaling na mang-aawit at may talento rin sa pagsasayaw hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong Europa at Asya. Ilan lamang sa mga bantog niyang awitin ang, "When You Think About Me", "Never My Love", "Steamy Nights" at "Bright Lights."

Noong siya'y tatlong taong gulang pa lamang, nakita na ang husay niya sa pagsasayaw sa isang palaruan ng bowling at mula noon, naging miyembro na siya ng tanyag na palabas para sa mga kabataan, ang That's Entertainment. Bago bumalik sa Texas, USA ang kaniyang pamilya noong 1994, nagkaroon siya ng pagkakataong makagawa ng ilang pelikula dito sa Pilipinas. Sa USA ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang karera sa pag-awit at magmula nang nanalo siya sa isang paligsahan sa Dallas, nagpunta siya sa New York upang magsulat at magrekord para sa kaniyang debut album na inilabas noong 1999. Sa paglipas ng mga taon, nagtuluy-tuloy siya sa paggawa ng mga awiting tunay na nagbigay sa kaniya ng katanyagan sa buong Europa.

Diskograpiya

  • Bright Lights (2004)
  • You Didn't Expect That [UK CD] (2003)
  • You Didn't Expect That [Sweden CD] (2003)
  • Trackin' [UK CD #2] (2003)
  • Trackin' [UK CD #1] (2003)
  • When You Think About Me (2002)
  • Trackin [Australia CD #1] (2002)
  • When You're in Love with Someone (2001)
  • Urgently in Love [US Vinyl Single #1] (1999)
  • Urgently in Love [US CD Single] (1999)
  • Urgently in Love [US Vinyl Single #2] (May 19, 1998)
  • Urgently in Love [US CD5/Cassette Single] (June 02, 1998)
  • Urgently in Love [German Single] (November 03, 1998)

Mga Pelikula

2005

  • Dominion: Prequel to the Exorcist (2005) bilang Cheche

1991

  • Eh Kasi Bata (1991) bilang Daryll

1990

  • Kasalanan ang Buhayin ka (1990) (bilang Billy Joe Crawford)

1989

  • Everlasting Love
  • Bote, Dyaryo, Garapa
  • Pahiram ng Isang Umaga
  • Pardina at ang mga Duwende

Mga Parangal

  • Best Male International Artist (January 18, 2003) ng NRJ Music Awards sa Cannes, France.
  • Best Newcomer of the Year (2002)
  • Nominasyon para sa Best Child Actor (1990) sa FAMAS para sa pelikulang Pahiram ng isang Umaga (1989)

Sanggunian

  • IMDB. (hinango noong Hulyo 03, 2008).
  • Star Pulse. (hinango noong Hulyo 03, 2008).
  • ABS-CBN. (hinango noong Hulyo 03, 2008).